^

PSN Showbiz

Beauty queen na adbokasiya ang nutrisyon madamot sa mga katulong

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pangat Queen. Hindi isdang pinangat ang tinutukoy ng mga nasa umpukan, walang hilig du’n ang isang kilalang female personality, pero ‘yun ang koronang ipinuputong sa kanya dahil sa hilig niyang ipainit ang mga tira-tirang ulam sa kanyang bahay.

Matipid kasi ang babaeng personalidad, katipiran na lumalampas na sa boundary ng pagiging kuripot at walang pakiramdam, walang nasasayang na pagkain sa bahay niya dahil sa galing niyang magmando sa kanyang mga kasambahay.

Kuwento ng isang source, “Tuwang-tuwa kaya ang mga maid-of-cotton niya kapag wala silang natitirang pagkain? Ibig sabihin lang nu’n, e, bagong luto ang kakainin nila, hindi tira-tira lang, hindi pangatlong init na.

“Malaking kasalanan para sa female personality ang magtapon ng food, walang pinakikinabangan sa kanya ang mga kapitbahay nilang nanghihingi ng kaning-baboy, dahil nagagawan pa rin niya ng paraang ipainit ‘yun!

“Napakahigpit niya sa food, tasado ang mga kasambahay at driver niya pagdating na sa lafang, bantay-sarado niya ang lahat pagdating na sa pagkain. Mapagharimunan siya, walang nasasayang, na tama lang naman.

“Hindi niya naman pinupulot lang sa kalye ang pang-marketing nila, pinagpupuyatan niya ‘yun, pinagtatrabahuhan, kaya kailangan lang talagang iayos ng mga kasambahay niya ang mga pinaghihirapan niya,” kuwento ng aming source.

Siya rin ang female personality na may kandado ang refrigerator, puwedeng galawin ng mga kasambahay niya ang mga pagkain sa kusina, pero ang ref niya sa kanyang kuwarto ay siya lang ang puwedeng magbukas.

Patuloy ng aming impormante, “Ewan lang kung ganyan pa rin siya kakuripot ngayon, ha? May partner na siya, ‘di ba? Alangan namang puro pangat din ang ipinakakain niya sa guy?

“Naku, meron na siyang dating korona, pero nadagdagan pa uli ‘yun, nag-iipon ba siya ng susununging korona sa ulo niya? Pangat Queen, nakakaloka siya, ha?

“Kung makapagsalita siya tungkol sa nutrition, e, wagas na wagas, pero iba naman ang pina-practice niya sa sarili niyang bahay! Ayan tuloy, iniiwan siya ng mga tao niya, panay-panay ang pagpapalit niya ng maid-of-cotton sa agency!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Umaapaw ang pag-ibig, Nadine nadadagdagan ang kaaway DAHIL kay James

Inaalat ngayon ang career at image ni Nadine Lustre. Okey lang na hindi siya maintindihan ng ibang kababayan natin pero nakaaalarma ang pagbitiw sa kanya ng mga taong matagal nang sumusuporta sa kanya.

Sa social media ay ramdam na ramdam ang paghiwalay na kay Nadine ng kanyang mga dating tagahanga, ayon sa mga ito ay hindi na raw nila kilala si Nadine, napakalaki na raw ng ipinagbago ng kanilang idolo.

Nag-deactivate na ng kanyang Twitter account si Nadine. Hindi na rin niya masikmura ang mga komentong tinatanggap niya, lalo pa’t nagmumula ‘yun sa kanyang mga fans, kung kailan niya uli bubuksan-ibabalik ang kanyang account ay naghihintay ang publiko.

Walang ganitong dating problema si Nadine, lumutang lang ang pagpansin ng marami sa kanyang imahe nang maging sila na ni James Reid, para sa mas nakararami ay hindi magandang impluwensiya ang binata para kay Nadine dahil bigla siyang naging liberated na sa kanyang mga pananaw sa buhay.

Unang naging suntok sa image ng dalaga ang ipinahayag niya na okey lang naman ang pakikipag-live-in. 2017 na raw ngayon, milenyal na, kaya ano raw ang masama kung totoong nagli-live-in na nga sila ni James?

Mula du’n ay parang hindi na nakabangon ang imahe ni Nadine Lustre, pati ang kanyang mga tagasuporta ay bumibitiw na sa kanya, lantaran ang pagpapatotoo ng mga fans niya na hindi na gusto ng mga ito ang kanyang mga ikinikilos at sinasabi.

Sabi pa ng isang tagahanga ni Nadine na naghahanap na ng ibang susuportahan ngayon, “Napakalaki ng ipinagbago ni Nadine, hindi siya dating ganyan. Pagdating na kay James, e, nagiging sobrang sensitive siya.

“Pati mga fans niya na matagal nang nand’yan, pinagmamalditahan niya, sinosoplak niya. Dahil lang kay James ‘yun, ha? Maganda na ring bumitiw na siya sa Twitter, ang dami-dami na niyang nakakaaway dahil sa sobrang pagtatanggol kay James Reid,” madiing sabi ng  kanyang dating tagahanga.

Ubos!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with