^

PSN Showbiz

Seryosohan na, Luis at Jessy araw-araw pinag-uusapan ang kasal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nagpo-propose ng kasal si Luis Manzano kay Jessy Mendiola ay halos araw-araw na raw napag-uusapan ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Maayos na maayos ang lagay ng relasyon nina Jessy at Luis ngayon. “We actually talk about it everyday,” bungad ni Jessy.

“When we talk about it, there’s seriousness behind it. There’s already forethought,” dagdag naman ni Luis.

Masayang-masaya si Jessy dahil mainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ng aktor lalo na ng inang si Vilma Santos-Recto. “Noong unang beses ko sa bahay nila, sobrang warm ng welcome niya sa ‘kin and wala akong masabi. Sobrang thankful ako, sobrang bait niya sa akin,” pagbabahagi ng dalaga.

Aminado naman ang Star for All Seasons na talagang nagustuhan din niya si Jessy para sa anak. “I like Jessy. Ilang beses ko na siyang nakasama over dinner and I like her. Walang showbiz, walang make-up,” maikling pahayag ni Ate Vi.

Julia nakiusap na huwag i-bash si Yassi

May bulung-bulungan na kasama raw na nagbakasyon ni Julia Montes sa Hong Kong ang ina ni Coco Martin kamakailan. Sinasabing may espesyal na diumanong namamagitan kina Julia at Coco kaya malapit na rin sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa. “Po? Wala akong masabi. Ayun po, kasama ko po ‘yung family ko. Kasama ko po sina mama, sina lola. Kasama ko po ‘yung family ko. Wala namang picture eh,” natatawang pahayag ni Julia.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng aktres kay Coco ngayon? “Ganoon pa rin po. Super close pa rin po kami. Maintain pa rin po ‘yung communication. Siguro kasi nakilala ko si Coco talaga hindi bilang si Coco Martin. Nakilala ko po siya bilang Rodel (Nacianceno, totoong pangalan ng aktor). So I can say, undescribable and sobrang bait, walang masamang tinapay. Sobrang maasikaso, maalalahanin, mahal na mahal ang pamilya. So parang wala akong masabi kung hindi mga good traits niya,” makahulugang pahayag ni Julia.

Nali-link ngayon si Coco sa katambal sa teleseryeng Ang Probinsyano na si Yassi Pressman. Nabanggit ni Yassi sa isang pahayag na nakararanas daw ito ng online bashing sa social media na posibleng mula sa mga tagahanga ng tambalan ni Coco at Julia.

Nakikiusap si Julia ngayon na kung maaari ay huwag nang i-bash online si Yassi. “Kilala po ako ng mga tao offcam na lagi kong pinagsasabihan kung sino man po na huwag kayong mamba-bash ng taong ayaw n’yo. Kasi hindi natin hawak po lahat, parang promote mo na lang kung sino’ng gusto mo,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with