Nananakit na paa
Masakit sa paa ang bago o mataas na sapatos pero kailangan mong magtiis dahil requirement ang pagsusuot ng heels sa iba’t ibang trabaho gaya ng pagiging sales lady, hotel attendant, at iba pa.
Isa ang Band-Aid sa ating ginagamit para hindi masaktan ang paa. Pero napag-alaman ng isang sikat na YouTuber na mas effective ang paggamit ng sanitary napkin. Gupitin lamang ito sa sukat na gustong idikit sa sapatos tulad ng nasa larawan.
Mapapansing mas komportable ito kesa sa pagsusuot ng Band-Aid o ng iba pang mamahaling gamit para makaiwas sa paltos.
- Latest