^

PSN Showbiz

Shalala sinusuwerte sa Dos

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa naman na maganda ang kinahinatnan ng karera sa pag-aartista ng isa sa mga discovery ng namayapang si Kuya Germs na si Shalala. Akala ng lahat ay maapektuhan sa pagkamatay ng mentor nila hindi lamang si Shalala kundi maging sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jake Vargas at Jak Roberto.

Pero hindi pala, sayang at hindi na nakita ni Kuya Germs ang pag-angat ng mga naging alaga niya sa Walang Tulugan. Pinakahuling nagpamalas ng kanyang pag-asenso ay si Shalala na bukod sa radyo ay umarangkada na rin sa ser­yeng Pusong Ligaw kung saan nagpapaiyak siya ng mara­ming manonood. Nakasubok na si  Shalala sa tatlong major TV stations ng bansa pero, tila sa ABS-CBN siya suswertihin.

Banta ng abogado ni Jake hindi kinaaliwan

Marami ang hin­di natuwa sa tila pag­mamaga­ling ng abogado ni Jake Ejercito na maturuan ang lola ng anak ni Andi Eigenmann ng tungkol sa “contempt of court” at “subjudice” na dahilan marahil kung bakit sa una pa lamang ay natakot na si Andi na umabot sa korte ang kanilang problema dahil ito ay isang ma­la­king gastusin pero, tila palaban si Jaclyn Jose sa pagtatanggol sa kanyang anak at apo.

At kahit galit na galit ang kanyang anak sa ginagawa niya, sinabi ni Jaclyn na nakahanda siya sa kanilang lahat. Tuloy nalaman ng lahat na wala sa poder ni Andi sa kasalukuyan ang bata at nasa ama nito. Hindi naman maaaring ipagwalang bahala ni Jake ang pakiusap ng lola ng anak niya dahil si Andi pa rin ang may legal na karapatan sa bata.

Willie bisyo na ang pamimigay ng mamahaling bags

Buti na lang hindi nagseselos ang non-showbiz boyfriend ng 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella Arida dahil nali-link ito sa host ng Wowowin na si Willie Revillame. Isa si Ariella sa mga co-host ni Willie na diumano ay pinaliliguan nito ng mga mamahaling bags na bagaman at inamin ng dating beauty queen ay nagsabing hindi lamang siya ang tumanggap kundi silang lahat na mga kasamahan ni Willie sa programa.

Inamin din ng magandang co-host na madalas silang ipinagsa-shopping ni Willie lalo’t maganda ang peformance nila sa show. Eh, di wow!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with