^

Pang Movies

Sanya nakipagtikiman kay Rocco sa pool

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Given nang sexy at fierce itong si Sanya Lopez dahil on-screen man o off-screen ay dalang-dala niya ang regal ng isang reyna.

Pero ngayon, nag-level up na ang pagiging daring ng Kapuso actress dahil isang steamy kissing scene ang pinasilip ng GMA Network sa magiging bagong soap nina Sanya at Rocco Nacino. Donning a dark red swimsuit ay nakipaghalikan si Sanya kay Rocco sa pool. Hindi na kami makapaghintay malaman kung ano ba talaga ang kwento nitong soap at kung bakit kakaibang aura ang nasasagap namin dito kay Sanya. 

Gabbi matagal bago nakabakasyon

Niregaluhan ni Gabbi Garcia ang pamilya niya ng engrandeng trip sa Amerika bilang celebration sa graduation ng kanyang kapatid.

Bukod diyan ay gusto rin niyang ipagdiwang ang naging tagumpay ng Encantadia, at ang buhos ng blessings sa kanyang buhay. Malaki ang suporta ng mga magulang ni Gabbi sa kanyang napiling career kaya tuwang tuwa ang Kapuso actress na mabigyan sila ng regalo bilang pasasalamat. Matagal ang bakasyon nila sa Amerika, na well-deserved din niya dahil matagal-tagal ding walang pahinga si Gabbi sa trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with