^

PM Sports

Dapat plantsahin ang PBA-SBP MOA

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa Huwebes nakatakda ang susunod na PBA board meeting pero malamang na hindi mapag-usapan dito ang sitwasyon ng Gilas Pilipinas ukol sa mga parating nitong international campaigns.

Walang magbubukas ng usapang ito dahil may previous commitment si Meralco governor at SBP president Al Panlilio na makakahadlang sa kanyang pagdalo sa PBA board meeting.

“I will request for a special board meeting,” ani Panlilio.

Dapat nang talakayin at plantsahin ang memorandum of agreement sa pagitan ng PBA at SBP ukol sa suporta sa national team dahil nakalatag na ang mga international competitions na lalaruan ng Gilas Pilipinas.

Sa pagsungkit ng SEABA Championship, nakuha ng Gilas Pilipinas ang karapatang i-represent ang rehiyon sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa Agosto at sa Asian World Cup qualifying event sa Nobyembre.

Ang katanungan ay magpapahiram ba ng players ang mga PBA ball clubs sa kasagsagan ng PBA season?

***

Lubhang nakakainggit ang China na agad na-kagawa ng plano kung paano tatahakin ang mga importanteng international competitions sa pagbabago ng FIBA calendar.

Sa pamumuno na ngayon ni dating NBA star Yao Ming, dalawang national teams ang binuo ng Chinese Basketball Association para maghalinhinan sa home-and-away window periods of competition na inilatag ng FIBA tungo sa 2019 World Cup.

Twenty-three players ang bumubuo ng China Blue Roster sa ilalim ni coach Du Feng, samantalang 21 players naman ang nasa China Red team ni coach Lin Nan.

Hindi ito kagaya ng dati nilang proseso kung saan meron silang National Team A at National Team B. Balanse ang lakas ng dalawang koponan kung saan pinamumunuan ni 2017 CBA MVP Ding Yanyuhang at rising star Zhou Qi ang Red Team at si longtime national player Yi Jianlian at sharp-shooter Li Gen naman ang trangko ng Blue Team.

Ang China Red ang sasabak sa FIBA window period sa Nobyembre. Hahalili naman ang China Blue sa mga susunod na home-and-away games sa susunod na taon.

***

Samantala, nagpahayag na ang NBA na NBA D-League players ang paglalaruin nila sa World Cup qualifying event. Isa pa nilang option na bumuo ng team mula sa mga players na lumalaro bilang imports sa kung saan-saang lugar sa mundo.

DATOS: More blessings ang birthday wish ng Tropang Kubo kay Mildred Valles Pabaya, ang No. 1 muse sa Sabino Alley sa Maysan, Valenzuela at ang nag-iisang kinatatakutan ni Kandong Pabaya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with