^

Metro

Mga pasahero ng MRT-3, naperwisyo sa sunud-sunod na aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga pasahero ng MRT-3, naperwisyo sa sunud-sunod na aberya

Naperwisyo na namang muli ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 matapos na salubungin ng sunud-sunod na aberya kahapon. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines - Naperwisyo na namang muli ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na salubungin ng sunud-sunod na aberya kahapon.

Batay sa abiso na ipinalabas ng MRT-3, umaga pa lamang ay tatlong beses nang nakaranas ng aberya ang ilang tren ng MRT-3.

Nabatid na ang unang aberya ay naganap dakong alas-8:20 ng umaga, kung kailan napilitan ang MRT-3 na magpababa ng mga pasahero sa Cubao Station northbound matapos na dumanas ng technical problem ang isa sa mga tren nito.

Matapos naman ang halos 40 minuto o eksaktong alas-8:58 ng umaga, napilitan din na pababain ang mga pasahero ng isa pang tren ng MRT-3 sa Magallanes Station southbound dahil pa rin sa technical problem.

Ang ikatlong aberya naman ay naganap dakong alas-9:41 ng umaga, kung kailan muling pinababa ang mga pasahero ng tren sa Magallanes Station northbound dahil pa rin sa kaparehong dahilan.

Ang tatlong sunud-sunod na aberya ay umabot ng Category 3 na ang ibig sabihin ay inalis ang mga tren sa riles nang walang kapalit.

Ang MRT-3 na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at North Avenue sa Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with