^

Metro

Piskal sa Caloocan, todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Piskal sa Caloocan, todas sa tandem

Bumulagta sa harap ng kanyang bahay si Assistant Prosecutor Diosdado Azarcon, ng Caloocan City Prosecutor’s Office, at naninirahan sa Brgy. 63 West, Grace Park, ng naturang lungsod makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin. Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines - Patay ang isang piskal ng Caloocan City makaraang tambangan at pagba­barilin ng isang hindi naki­lalang sa­larin sa harap ng kanyang bahay habang ang una ay papa­sakay ng kotse, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Agad na nasawi ang bik-timang si Assistant Prosecutor Diosdado Azarcon, 57, ng Caloocan City Prosecutor’s Office, at naninirahan sa Brgy. 63, West Grace Park, ng naturang lungsod.

Inilarawan ng mga saksi ang suspect na may taas na 5’5”, katamtaman ang katawan, maigsi ang  buhok, at nakasuot ng gray na t-shirt.  Nakatakas siya sakay ng isang motorsiklo na minamaneho pa ng isang salarin.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Prosecutor’s Office, naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima.  Papasakay na sa kanyang sasakyang Toyota Avanza ang piskal nang lapitan ng gunman at pagbabarilin siya nang malapitan sa ulo saka mabilis na tumakas sa direksyon ng 10th Avenue.

Narekober sa lugar ng krimen ang tatlong blangkong bala ng kalibre .45 baril at isang deformed na bala.  Inaalam din ng pulisya kung may kuha ng ‘‘closed circuit television camera (CCTV)’’ sa bisinidad ng lugar ng krimen sa ikakikilala sa suspects.

Kasalukuyang blangko pa ang mga imbestigador sa motibo ng pamamaslang dahil sa hindi pa makausap ng maayos ang mga kaanak ni Azarcon na pawang na-shock sa pangyayari. Ina­alam ng pulisya ang mga kasong hinawakan ng biktima upang mabatid kung may kinalaman ang mga ito sa pamamaslang.

Nabatid naman na magsasagawa rin ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na krimen upang mabatid kung personal o may kaugnayan sa kanyang trabaho ang krimen at para mapabilis ang pagbibigay   ng katarungan sa biktima.

Lumilitaw sa rekord ng DOJ na si Azarcon ay ikatlo nang prosecutor na pinatay sa loob ng pitong buwan.

Noong Enero 11, pinatay si Quezon City prosecutor         Johanne Noel Mingoa sa harap ng isang restaurant sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Habang  si Mati City Pro­se­cutor Rolando Acido, ay pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan sakay ng isang motorsiklo habang patungo ito sa Mati Hall of Justice noong Oktubre 26. (Dagdag ulat ni Doris Franche- Borja)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with