^

Kutob

Mayo 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang imposible sa Maykapal, kaya mairaraos ayon sa biyaya Niya ang buong araw.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ngayon na malayo ka sa piling ng mga magulang, saka mo napagtanto ang kahalagahan ng mga sermon nila sa iyo. Matututo ka ngayong sumunod sa kanila. Lucky numbers at color of the day ay 09, 14, 25, 39 at Cream.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi pa establisado ang iyong trabaho kaya pagbuhusan mo ito ng ibayong atensyon. Malakas ang hatak mo sa kapwa manggagawa kaya madali mo silang maging kaibigan. Walang masama na magtiwala, subalit mag-ingat. Lucky numbers at color of the day ay 15, 16, 31, 43 at Light blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung may trabaho at gustong humingi nang dagdag na sahod, patunayan mo muna kung karapat-dapat kang bigyan. Lucky numbers at color of the day ay 08, 11, 23, 36 at Tangerine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mapapasakamay ang bagay na inaasahan, subalit kaunting tiyaga lamang ang kailangan. Kung may appointment o lakad, sa umaga ito gawin para maging positibo ang resulta Lucky numbers at color of the day ay 02, 07, 38, 42 at Green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung buo ang loob at magtitiyaga sa kasalukuyang trabaho, may tsansa na mag-iba ang ihip ng kapalaran sa mga susunod na araw. Ang oras ay mahalaga kaya huwag sayangin. Lucky numbers at color of the day ay 07, 23, 35, 43 at Purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kapos at kulang ang iyong pera kaya ang planong biyahe ay ipagpaliban muna. Ang inaasahang tulong mula sa kamag-anak o kaibigan ay dara­ting ngunit may pagka-alintana. Lucky numbers at color of the day ay 10, 22, 37, 44 at Blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Posibleng masaktan ka dahil sa pag-ibig. Ngunit may mga kaibigan kang handang dumamay at magbigay ng pag-asa. Lucky numbers at color of the day ay 14, 21, 29, 40 at Indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda at magiging progresibo ang araw para sa iyo, kung hindi ka mapipikon sa biro, kantiyaw o pang-aasar ng nakapaligid na kasamahan, kaibigan o maging kamag-anak. Lucky numbers at color of the day ay 13, 17, 36, 38 at Orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maaaring makasakit ng damdamin ng kapwa o ikaw ang masasaktan. Mag-ingat o pag-isipan nang mabuti ang bawat salitang bibitiwan upang maiwasan na makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ay 12, 14, 26, 37 at Violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Dahil sa iyong pagka-simple at mabait, irereto ka ng isang kaibigan sa kanyang matalik na kaibigan. Sa unang tagpo pa lamang, kakaiba na ang pintig ng iyong puso. Pahiwatig nang pagka-gusto. Subalit mag-ingat. Lucky numbers at color of the day ay 05, 09, 18, 34 at Apple green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang ahente ang magbibigay ng impormasyon tungkol sa lupa’t bahay na gusto mong bilhin. Pakinggan ang suhestiyon bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ay 04, 08, 28, 36 at Emerald green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging mainitin ang iyong ulo sa umaga, ngunit may mangyayaring magpapasaya naman sa bandang tanghali hanggang gabi. Iwasan muna ang usapin tungkol sa pera. Lucky numbers at color of the day ay 15, 22, 27, 39 at Pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with