^

Para Malibang

Pangalawang Anino (79)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

IPINAGTULAKAN pa rin ni Sheila si Alona hanggang sa labas ng bahay. Sa sobrang galit niya, hindi makapalag si Alona.

“Bumalik ka na sa inyo! Hintayin mo na lang doon si Roger kung uuwi siya! Kung talagang gusto niyang bumalik sa inyo, walang makakapigil sa kanya kahit sino!”

“Ako ang mahal ni Roger! Babalik din siya sa akin!” At taas-noong umalis si Alona.

NAGBALIK si Yawan kay Tagapag-alaga. “Hindi ko makanti ang aking ama kahit gusto ko na siyang patayin. Dahil sa tubig na banal. Hindi namin makuha kina Nanette ang aking ama. Puwede bang iba na lang ang saktan o patayin ko para matuwa sa akin ang ha­ring demonyo?”

“Hindi papayag ang hari na kakampi niya ang sasaktan mo. Hindi puwedeng ako o kahit sino pang nakatira dito sa Itom. Hindi puwede ang ina mo na kahit normal pa ring tao ay kasing-itim na ng demonyo ang kaluluwa. Kailangang ang sasaktan mo ay kadugo mo pero hindi natin kaalyado. At iyan ang iyong ama!”

“Kung si Nanette na lang kaya?”

“Hindi mo nga siya malapitan, hindi ba? Mag-isip ka, Yawan! May utak ka, gamitin mo!”

“Sino ... sino pa ang puwede kong saktan bukod sa aking ama?”

“Mag-isip ka!”

Napaisip si Yawan, natigilan siya.

“S-si Arturo?”

Ngumiti si Tagapag-alaga. “Kailangan hindi lang basta sasaktan. Kundi ... kamatayan.”

Napaurong si Yawan.

“P-Pero mahal ko siya ...”

“Kaya nga masisiyahan ang haring demonyo dahil isang malaking sakripisyo ang iyong gagawin para sa kanya. Isipin mo na lang, papatayin mo ang mahal mo para sa hari ng kadiliman. Sino naman ang hindi matutuwa sa iyo, ibibigay niya ang walang katulad na kapangyarihan sa iyo.”

“M-maaring pinapahiran din siya ng banal na tubig ni Nanette. Hindi ko rin siya malalapitan at masasaktan. Tigilan na natin ang usapang ito, Tagapag-alaga.”

“Hindi mo matatakasan ang iyong tungkulin. Kalimutan mo na nga ‘yang puso mo! Walang nagtatagumpay na kampon ng kasamaan na may puso!”

“Pinapahiran siya ng tubig na banal ni Nanette! Kaya walang patutunguhan itong usapan na ito! Hindi ko maaring galawin si Arturo!”

“Sa ngayon, wala ­siyang tubig na banal sa katawan! Bago maisipan ni Nanette ‘yon, patayin mo na si Arturo!”

                ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with