^

True Confessions

Damo sa Pilapil(59)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI marinig ni Zac ang pinag-uusapan nina Mam Dulce at Bogs. Basta ang ma­lulutong na tawa lamang ng dalawa ang kanyang nari­rinig. Nagpapatawa siguro si Bogs kaya ganun na lamang ang paghagikhik ni Mam.

Nanliligaw kaya kay Mam si Bogs? Posible. Hindi dadalaw ang lalaki sa bahay ng babae kung walang nararamdamang pagkagusto. Hindi naman maaaring sabihin na magkaibigan lamang sila dahil iba ang kilos ng magkaibigan kaysa sa nag-iibigan. Sabagay, matagal na ring biyuda si Mam Dulce. Ang hindi niya alam ay kung binata o biyudo si Bogs. Paano kung may asawa pala ito? Baka ang gusto ay babaehin lamang si Mam. Mukhang playboy si Bogs. Kahit may edad na --- mga 60 na siguro ito --- ay mukhang gusto pang tumuhog. Pero bakit si Mam na 60-anyos na rin ang gustong tuhugin? Bakit hindi humanap na bata o sariwa? Ang alam niya, ang gusto ng kabayo ay sariwang damo. Sa­bagay kanya-kanyang gusto ang tao.

Pasado alas dos na pero patuloy pa rin sa pagkukuwentuhan sina Mam at Bogs. Hindi nauubusan ng pinag-uusapan.

Naisipan ni Zac na linisin ang SUV ni Mam. Alaga niyang pakintabin ang sasak­yan. Ngayong siya na ang nagda-drive ng SUV ay gusto niyang laging malinis ito at mabango. Ayaw niyang sasakay dito si Mam na amoy pawis. Halos araw-araw ay kanyang hinuhuga­san ang sasakyan. Bumabangon siya nang maaga para ito linisin.

Eksaktong alas kuwatro ng hapon ay narinig niya ang paglabas ni Bogs. Natapos din ang pag-uusap nila ni Mam.

Dumaan sa harap niya si Bogs. Naka­ngiti.

“Aalis na ako Boy.’’

Nasaktan na naman si Zac sa tawag na “Boy”.

Pero ano ang ma­gagawa niya?

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with