^

Metro

‘Tulak’ patay, live-in partner kritikal sa drug operation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang lalaking ‘tulak’ habang sugatan ang kan­yang live-in partner, gayundin ang dalawang pulis May­nila nang magkabarilan sa isinaga­wang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Sampa­loc, Maynila.

Dead-on-the-spot si Ricardo Gulapa, alyas Julius Garcia, 51, ng  Miguelin St. corner Florentino St. Sampaloc, Maynila. Ginagamot naman sa Ospital ng Maynila ang live-in partner nitong si Gulapa na si Myla Cruz, 45, na nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa tiyan.

Inooperahan naman sa University of Sto. Tomas Hospital  sina  PO2 Ronald de Pacina  na tinamaan ng bala sa kaliwang braso at PO3 Michael Carabeo na nabaril sa tiyan, kapwa nakatalaga sa MPD-Police Station 4.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, naga­nap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa bahay ng suspek matapos ikasa ang isang buy bust operation laban sa nasawing suspek.

Umakto umanong poseur buyer si PO1 Robert Guimong at matapos ang transaksiyon nagpakilala si Guimong na pulis­ pero sa halip na sumuko si Gulapa, bumunot ito ng baril  binaril ang  grupo ng pulis dahilan para gumanti ang mga awtoridad.

Dinampot naman ni Cruz ang baril ni Gulapa at tinangkang  paputukan ang mga pulis kaya’t dito na siya binaril ng mga pulis.

Nang mapawi ang putukan, sugatan si de Pacina, Carabeo at si Cruz na kaagad isinugod sa pagamutan.

Naaresto rin sina Jomar Garcia, 18; Ronnie Garcia, 48; at Gregorio Arce, 35, taga 986 Miguelin St. Sampaloc, Maynila, pawang mga kamag-anak ni Gulapa.

vuukle comment

JULIUS GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with