Harutan at lambingan nina Alden at Maine bentang-benta sa US fans
Lumipad agad patungong New York City sina Alden Richards at Maine Mendoza a day after ng concert nilang KS sa US (Kalye Serye sa US) kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Sa text sa amin ni Rams David, Triple AAA Management President, ipinarating niyang super successful ang show sa Pasadena Civic Center sa California. Mahigit 3K na tao ang pumuno na venue na kuntentung-kuntento sa lambingan at harutan sa stage nina Alden at Maine.
“Sulit na sulit ang bayad nila sa 2 and ½ hours na show. Kitang-kita sa mga ngiti nila na wish fulfilled na makita sa stage sina Alden at Maine na nagpi-perform,” text sa amin ni Rams.
Sa Kings Theater sa Brooklyn, NYC ang venue ng last leg ng KS sa US, ngayong araw na ito, April 12. After ng show, pasyal mode muna sila at balik na sa Maynila para sa naiwang trabaho sa Eat Bulaga at Destined To Be Yours.
Aktor takot tumanda!
Conscious na conscious pala ang isang aktor sa bawat anggulo ng mukha niya sa pelikulang nagawa. Kapag hindi maganda ang rehistro niya sa screen, pinapa-reshoot niya ang anggulo.
Nagkakaedad na rin kasi ang aktor. May insecurities na rin siyang nararamdaman lalo na’t maraming mas bata at mas guwapo sa kanyang artista.
Mabuting tao naman ang aktor kaya kung conscious man siya sa rehistro niya sa screen, pinagbibigyan na lang ng director.
- Latest