^

PSN Palaro

Flying V ice hockey team target ang ginto sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Flying V chairman Ramon Villavicencio ang kanyang kasabikan hindi lamang para sa debut ng Flying V Thunder sa PBA D-League kundi para sa gold medal drive ng company-backed national ice hockey team para sa 2017 Southeast Asian Games.

“By the monicker itself – Thunder – the team is supposed to create a lot of noise,” wika ni Villavicencio sa kampanya ng Thunder sa D-League na hahawakan ni Eric  Altamirano. “But whether it’s going to create effectivity, we’ll have to wait and see.”

Hindi pa ibinunyag ng mga Thunder officials ang kom­posisyon ng koponan ngunit nangakong lalaban nang sabayan sa mga miyembro ng D-League.

Ayon kay Villavicencio, nagdesisyon ang kumpanya na maglagay ng koponan sa D-League “to give more potential players more chances to show their wares “ at “widen the pool of selection for PBA teams.”

Tinalakay din ni Villavicencio ang estado ng national hockey team.

Nauna nang kumuha ng bronze medal ang mga Pinoy hockey players sa Division 2 sa Asian Winter Games sa Sapporo, Japan.

Ngayong taon ay target naman ng koponan ang gold medal sa Malaysia SEAG sa Agosto.

Ang apo ni Villavicencio na si Mikey ay naglalaro ng ice hockey at ang kanyang son-in-law na si Christopher Sy ang namumuno sa Federation of Ice Hockey League, Inc., ang governing body para sa sport.

Nakatakdang sumabak ang Nationals sa 2017 Phi­lippine Ice Hockey Tournament sa Hunyo sa MOA  na lalahukan din ng Russia, Germany, Korea at Japan. (OL)

 

FLYING V

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with