^

Bansa

Rider pisak sa truck

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tigok ang isang rider nang magulungan ito ng isang 10-wheeler truck, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nasawi noon din ang biktima na kinilala lamang sa nakuhang ID rito na si Benjie Regondola, 49, isang maintenance worker sa isang hotel sa naturang lungsod matapos itong magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Sa report na natanggap ng hepe ng Parañaque City Police  na si Police Sr. Supt. Jemar D. Modequillo mula kay traffic investigator, SPO1 Reynaldo Serafica, naganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa Southbound lane ng kahabaan ng Macapagal Avenue, Brgy. Tambo ng naturang lungsod.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at habang binabagtas nito ang naturang lugar, lumiko  nang pakaliwa ang truck na may plakang UUC-382 kung saan nabangga nito ang biktima.

Ayon sa mga testigo buhay pa ang biktima nang masagi ito ng truck, subalit,  nang bumaba ang driver ng truck para silipin ito at sa halip na tulungan ay mu­ling bumalik sa manibela ang driver at tuluyang sinasagasaan ang rider at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Hinahanting na ngayon ng pulisya at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng driver ng truck.

 

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with