8 tripulante minasaker ng mga pirata
MANILA, Philippines - Patay ang walong tripulante ng isang fishing vessel matapos imasaker ng mga pirata sa karagatang sakop ng Zamboanga City, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard kahapon.
Sa inisyal na ulat mula kay PSG Spokesperson Commander Armand Balilo, nilusob ng mga pirata ang FB NR o Hulbot-hulbot habang ito ay naglalayag sa bisinidad ng Siromon Island, 11 Island Group, Zamboanga City.
Sinabi ni Balilo na bukod sa walo ang patay habang lima pa ang nawawala at dalawa ang nakaligtas sa insidente na nakilalang sina Nomar Sakandal at Ervin Banaan.
Nabatid na tumalon mula sa sasakyang pangisda ang limang nawawala na siyang hinahanap ngayon ng search and rescue operation ng PCG.
Kasalukuyun nang nasa pangangalaga ng pulisya ang dalawang nakaligtas habang patuloy na hinahanap ang lima pa.
- Latest