Mabilis na pagpapatubo ng buhok
1. Kumain ng isda, flax seeds, walnuts, beans, olive oil, at iba pang pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids na maganda sa buhok.
2. Maghalo ng magsindaming castor oil at coconut o olive oil. Imasahe ito sa anit at iwan ng 45 minuto bago i-shampoo ang buhok.
3. Maglagay ng oil (mas mainam kung mainit) o conditioner sa buhok. Marahang masahihin ang anit nang paikot sa loob ng 5 minuto. Banlawan ang oil o conditioner.
4. Iwasan ang stress sa pamamagitan ng meditation, breathing exercise, o iba pang pampa-relax na techniques.
5. Magbate ng itlog at lagyan ng 1 tasa ng gatas, 2 kutsarang extra-virgin olive oil, at juice ng kalahating lemon. Ipahid ito sa anit at iwan ng 30 minuto bago banlawan at i-shampoo ang buhok.
6. Uminom ng supplements tulad ng folic acid, biotin, kelp, fish oil, flaxeed oil, ginseng, gingko biloba, at iba pa.
7. Maglagay ng pinaghalong fresh aloe vera gel at lemon juice sa buhok at iwan ito ng 20 minuto. I-shampoo ang buhok. Gawin ito dalawang beses kada- linggo.
- Latest





















