^

Metro

1 pang truck lane sa C-5, idinagdag

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magdadagdag ng isa pang truck lane ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng C-5 Road upang mapabilis ang biyahe nito at mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko tuwing ‘truck hours’.

Ito’y matapos na maki­pagpulong  kahapon sa MMDA ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP).

Sa pagpupulong napagkasunduan na magdaragdag sila ng isa pang truck lane sa C-5 Road  para daanan ng mga delivery  truck simula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga.

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos, dahil  sa mataas aniya na volume ng mga truck, na dumadaan sa naturang kalsada kung kaya nagsasanhi ito ng matinding tra­pik partikular nga tuwing ‘truck hours’.

Ayon sa MMDA, ang isa pang “truck lane” ay ilalagay sa bandang kanan ng C-5 Road  at ipatutupad ito sa lalung madaling panahon at kapag na­ilagay na rin aniya ang mga traffic signages at road marking ng Traffic Engineering Center ng MMDA.

Samantala, pwede namang gamitin ng mga pribadong behikulo ang “truck lanes”  sa C-5 Road tuwing ‘truck ban hours’. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with