^

Metro

Ex-con itinumba sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Ex-con itinumba sa QC
Bumulagta ang isang lalaki sa may Lower Sauyo sa panulukan ng Quirino Avenue sa Quezon City makaraang pagbabarilin kahapon ng madaling araw.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang ex-convict maka­ra­ang pagbabarilin ng uma­no’y sakay ng isang kot­se habang ang una ay naka-istambay sa harap ng kanilang bahay sa Brgy.Sauyo, Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

 Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD) ang na­sawi ay kinilalang si Rodel Rodriguez, 38, ng Sauyo Road, sa naturang bara­ngay.

Blangko naman ang   pu­lisya sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas makaraang isa­gawa ang krimen.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Marvin Masangkay, nangyari ang insidente sa may harap ng bahay ng biktima, dakong alas 2:15 ng madaling araw.

Sinasabing kalalaya lamang ng biktima buhat sa ilang taon na pagkakapiit sa Quezon City Jail dahil sa kasong may kinalaman sa droga at mula ng lumaya ay nagbago na ito.

Nakatayo umano ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang isang kotse at walang sabi-sabing pagbabarilin ito hanggang sa mapatay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang nasa 11 basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril, limang tingga ng mula sa nasabing baril, at isang cellphone na Nokia. Wala namang nakuhang droga sa biktima kung kaya palaisipan sa awtoridad ang motibo sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

EX-CON ITINUMBA SA QC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with