^

PM Sports

Chris Paul may bagong career achievement

TIKDOL SA PORDOY - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos magbigay ng assists sa first quarter kay Marreese Speights na nagresulta ng slam dunk, ang Clippers point guard na si Chris Paul ay naging pang-10th player sa NBA history na nagtala ng 8,000 career assists nitong Linggo.

Ang 31-gulang na si Paul ang naging ikatlong pinakamabilis na player na umabot ng 8,000 assist, 15,000 points barrier na nagawa niya sa loob lamang ng 806 games. 

Tanging sina Hall of Famers Magic Johnson at Oscar Robertson ang nakaabot ng mga achievements na ito sa mas mababang bilang ng laro.

Nangailangan si Paul ng anim na assists lamang para maabot ang 8,000 mark bago ang laban sa Miami at humataw agad ito para makapagtala ng anim na assists sa unang quarter pa lamang.

Si John Stockton ang all-time NBA assist leader sa kanyang 15,806. Nauuna kay Paul sa ninth place ng career list si Andre Miller na may 8524 assists.

vuukle comment

CHRIS PAUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with