Unang malaking karera pakakawalan sa San Lazaro
MANILA, Philippines – Inilabas ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang linyada ng kanilang mala-king karera na siyang pinakauna dito gaganapin sa karerahan ng San Lazaro Leisure Club sa Carmona Cavite sa darating na Linggo, Enero 15, 2017.
Ito ay ang PHILRACOM ‘Commissioner Cup’ na ilalarga sa distansiyang 1,750 metro.
Kasali sa mga nominasyon ng mga kabayo ay ang kasalukuyang 2016 Presidential Gold Cup champion na Low Profile.
At dahil sa kanyang pagkakapanalo ay magdadala ito ng pinakamabigat na handicap-weight sa timbang na 58 kilos.
Ang Skyway ang kasunod na mataas ang timbang sa 56 kilos handicap-weight dahil sa pagi-ging runner-up sa Presidential Gold Cup.
Nominado rin ang 2015 Gold Cup champion na Dixie Gold na binigyan ng 55 kilos handicap katulad rin ng Kanlaon dahil sa pagkakaroon ng kategoryang malakas na magparemate.
Kabilang rin sa mga kontender ang Court Of Honor na 54 kilos; Dinalupihan na 53 kilos, Hot And Spicy na 53 kilos, Manalig Ka na 50 kilos, Silhouette na 52 kilos at Underwood na magdadala rin ng 52 kilos.
Naglaan ang Philippine Racing Commission ng kabuuang papremyong P1,500,000 para sa naturang karera at ang magwawagi ay pagkakalooban ng P900,000.
Sa runner-up ay P337,500 sa tersero ay P187,500 at sa pupu-westo sa ikaapat ay P75,000.
Mayroong breeders purse na P60,000 na mapupunta sa kampeon.
Samantala, dito rin sa San Lazaro Leisure Park ang ating karera ngayong gabi ng Lunes.
Ang ilang mga kabayong ipinalalagay na lutang sa kani-ka-nilang grupo ay ang Blue Berry na sasakyan ni Jonathan B. Hernandez sa isang handicap-7 sa ikalawang karera.
Ang Isa Pa Isa Pa na kagagaling lang sa panalo ay angat naman sa handicap-2 sa ikatlong karera.
At sa huling karera ay pinapaboran ang entry ng Cool Summer Farm na Indianpana na patatakbuhin in Apoy P. Asuncion. JMacaraig
- Latest