^

PSN Showbiz

Pacman kakasa kina Lamangan at Caparas!

SO...CHISMIS ITOH!? - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

After mapanood ang napaka­mata­­gumpay na Felix Manalo ni Joel La­ma­ngan at nagbabadya rin ng ta­gum­pay at kagandahan ng pagkakagawa ng Miracles Are Fore­ver ni Carlo Ca­paras, mga Christian films din ang balak na iprod­yus ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang pag­babalik sa showbiz.

Gusto niyang magbigay ng inspirasyon sa mga kababayan niya. Mga istorya ng tauhan sa Bibliya  ang target niya. Good luck senator.

Coco magpo-promote raw ng Pilipinas

Natutuwa na ako para kay Coco Martin sa magandang takbo ng kanyang karera. Biruin mo, inakala ko pa na baka malapit na ang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano at kailangang takasan na lamang niya at ng kanyang anak-anakan na si Onyok (Simon Pineda) ang pamiminsala ni Joaquin (Arjo Atayde) at mapatunayan ang kasamaan nito at tapos na ang pakikipagsapalaran ng maprinsipyong pulis.

All’s well that I’m sure will end up well, too. Pero hindi pala, makapaglilibot pa sila ni Onyok sa maraming bahagi ng bansa para matakasan si Joaquin at mapahaba pa ang serye bago ang engkwentro nila. Maganda ‘yung adhikain ng palabas na kaysa nga naman sa ibang bansa pa pumunta ay dito na lamang sa Pilipinas maghahabulan ang mga bida at kontrabida.

Paolo naki-bangs na rin

Makikita natin ngayong tanghali sa Eat Bulaga ang pakikiisa ni Paolo Ballesteros sa bagong hairdo ni Allan K. Sa mga nakaraang episode ng programa maging si Alden Richards ay nagpalagay na rin ng bangs para hindi mahuli sa kanyang mga kasamahan na naka-bangs din.

Maski si Bossing Vic Sotto ay gumaya rin sa kanila. May bangs din daw pagbabalik niya ngayong tanghali sa show si Paolo. Ilang araw itong absent dahil sinulit nito ang Christmas vacation nilang mag-ama ni Keira na duma­ting sa bansa para sa nakaugalian nilang Christmas get together.

 

vuukle comment

JOEL LA­MA­NGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with