^

PSN Showbiz

Bea aminadong limot ang sarili ’pag in love!

YSTAR - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Aminado si Direk Dan Villegas na ang pelikulang Ilawod na first horror film na nagawa niya ang pinakamahirap para sa kanya. Nakasana­yan na niya ang rom-com films kaya talagang kinarir niya ang Ilawod at talagang nanibago raw siya ng bonggang-bongga.

Sabi ni direk Dan, “Hindi po ako sanay eh

“Siyempre ‘yung paulit-ulit ka na gumagawa ng same genre, siyempre masarap ding ibahin na makagawa ng bago, ‘yung mag-expirement ka.

“Mahirap, kasi ibang-iba siya.”

Matagal nang kaibigan ni direk Dan ang writer nitong si Yvette Tan kaya na­pag-usapan na raw nila minsan sa isang inuman na subukan ang horror.

Sa January 18 na ang showing ng Ilawod, at natutuwa ang writer nitong si Yvette na sina Iza Calzado at Ian Veneracion ang gumanap dahil sila raw talaga ang bini-visualize niyang gaganap sa istoryang isinulat niya.

PAK: Pasabog ang linya ni Bea Alonzo sa presscon ng A Love To Last tungkol sa pag-ibig niya uli.

Sabi niya; “Falling in love is already a sacrifice of its own kasi the mere fact that you decided to fall in love with someone, ‘yun pa lang nakakalimutan mo na ‘yung sarili mo.”

Hanggang dating pa lamang daw sila ni Gerald Anderson pero nagpapa­salamat siya dahil may taong nagpapasaya sa kanya.

“Right now I’m just enjoying…happy ako na may mga tao na nagpapasaya sa akin. Yun pa lang blessing na. Ayoko pa lang iproseso.

“We’re dating. Ang hirap na unahan ‘yung mga bagay-bagay. Hindi pa siya nag-process pero right now especially this year, ang dami ko talagang gustong ma-achieve.

“Gusto kong maging pro-active this year. Ang dami kong pinu-put off in the past year na gusto ko ma-achieve finally this year.

“Iyun muna ‘yung focus ko. But siyempre, ‘yung mga taong nagpapasaya sa ‘yo parang gusto mo naman i-save ‘yung bawat moment na ‘yun,” nakangiting pahayag ni Bea.

BOOM: Hindi na namin nakita sa Instagram account ni Ara Mina ang unang ipinost niyang “I Quit” kung saan in-announce na niyang hindi na niya itutuloy ang drama series na ginagawa niya, ito ngang Pinulot Ka Lang sa Lupa ng GMA-7.

Hindi na nagpaunlak ng interview si Ara tungkol sa isyung ito, pero nagtanung-tanong kami sa ilang sources kung ano talaga ang nangyari.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, wala naman daw gulo sa taping ng Pinulot... Wala raw insidenteng nabastos o naapi si Ara. Ang pagkakaalam lang daw nila, nainip siya dahil nu’ng September pa pala sila nagsimulang mag-taping, ilang beses pa lang na-call ang aktres.

Ang ikinaloka raw niya, nag-stop taping sila nu’ng November at hanggang ngayon ay hindi pa nag-resume ng taping.

Sinubukan daw ni Ara na magpaalam kung puwedeng rumaket muna siya sa ibang soap, pero hindi ito pinayagan. Wala raw silang makitang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang mag-quit. Iyon lang daw ang nakita nilang problema dahil ilang buwang natengga ang aktres at hindi ito nakapagtrabaho.

Binanggit nga niya sa post na iyon na; “Yes. I need to work. I am single mother. But. I cannot allow them to devalue me any further.”

Posibleng ito raw ang rason dahil kilala nila si Ara na gusto talagang magtrabaho palagi. Kaya nga tinanggap na niya ito kahit mother na siya ni LJ Reyes.

Ayon pa sa aming source, nanghinayang daw ang mga staff sa desisyong ito ni Ara dahil gusto nila itong katrabaho.

Sana mapakiusapan pa raw itong magbago ng isip dahil gusto nilang katrabaho ang aktres.

DIREK DAN VILLEGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with