^

PSN Showbiz

Star Wars fans nagluluksa! MMFF hinahamong ilabas ang kinita nung pasko, Aljur atat nang matapos ang kontrata sa GMA?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Star Wars fans nagluluksa! MMFF hinahamong ilabas ang kinita nung pasko, Aljur atat nang matapos ang kontrata sa GMA?!

Carrie

SEEN: Mga millennial ang karamihan sa mga nanonood ng Saving Sally, ang filmfest movie nina Rhian Ramos, Enzo Marcos at TJ Trinidad. Hindi pambata ang pelikula na ipinapanawagan na huwag munang i-pull out sa mga sinehan.

SCENE: Ang hamon sa Metro Manila Film Festival Executive Committee na ilabas ang exact figures ng box office gross ng 42nd Metro Manila Film Festival para makumbinsi ang publiko na totoo ang  claim na na-meet nila ang  kanilang mga expectation.

SEEN: Mabilis ang pagnipis ng buhok ni Macky Mathay, ang lalaki na ipinalit ni Sunshine Cruz sa estranged husband nito na si Cesar Montano.

SCENE: Minana ni Julia Montes ang kanyang movie star look mula sa German father niya na si Martin Schnittka. Nakatulong ang pagiging artista ni Julia kaya napadali ang paghahanap niya sa kanyang long lost biological father.

SEEN: Nagluluksa ang fans ng Star Wars dahil sa pagpanaw ni Carrie Fisher aka Princess Leia noong Martes, December 27.  Inatake sa puso si Fisher habang sakay ng eroplano noong December 25.

SCENE: Excited si Aljur Abrenica sa pagsapit ng 2017 dahil matatapos na ang kontrata niya sa GMA Network Inc. Maraming pangarap si Aljur para sa kanyang career sa susunod na taon.

SEEN: Isang araw at tatlong oras na delayed ang Japan trip ng pamilya ni Amy Perez sa Japan dahil sa Typhoon Nina. Apektado ng flight delay ang hotel bookings nina Amy.

SCENE: Ang Quezon City Memorial Circle ang venue ng traditional New Year countdown ng TV5 sa December 31 at sa Mall of Asia ang lugar ng nakaugalian na pagsalubong ng GMA-7 sa Bagong Taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with