^

Pang Movies

KC binitbit pa from Italy ang regalo kay Shawie

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ipinost ni Sharon Cuneta ang Christmas gift sa kanya ng panganay na anak na si KC Concepcion at sa caption ay kitang-kita ang kasiyahan ni Megastar.

Isang Gucci bag ang regalo ni KC sa kanya at sa caption, anang Mega­star, “My beautiful new limited edition bumblebee Gucci bag from KC (can’t get this even in America yippee! Ay sorry na-excite!).”

Ipinost din ni Shawie ang larawan ng card na kalakip ng Gucci bag at doon ay nasulat na “this is limited edition only available in Europe. . .got this for you straight from Italy! Hope you like it! I thought of you the moment I saw it!”

KC also wrote, “Merry Christmas my Mama!!! I love you so much!”

Ipinost pa rin ni Sharon ang sinabi sa kanya ni KC bago ibigay ang regalo.

KC: “Mama! I wanted to get you something really special this year. I hand-carried this all the way from Florence, Italy!” post ni Mega.

Post pa ni Shawie, “Of course the gift is beautiful! But the card and the thought and the love that come with it are most precious to me. Thank you, my Tina my #1”.

Sa sunud-sunod na post na ito ni Shawie, obviously ay super-proud siya sa kanyang eldest daughter at masayang-masaya sa pagka-thoughtful nito.

Katakut-takot na puri rin ang ibinigay ng mga netizens para kay KC kung gaano ito ka-sweet and loving daughter.

Julia kamukhang-kamukha ang ama

Ang saya naman ng pagpapalit ng taon para kay Julia Montes dahil for the first time, ang matagal na niyang pangarap na makilala ang biological father ay natupad na.

Ang daming natuwa para sa young actress nang i-post niya sa kanyang Instagram account last Tuesday ang larawan nila ng German father na si Martin Shchnittka.

Umani ng katakut-takot na positive comments and reactions ang post ng young actress at lahat ay happy para sa kanya.

Pati si Jhong Hilario ay nagkomento at aniya, “so happy for you anak! Nakita mo na ‘yung tunay!”

Matatandaang si Jhong ang gumanap na tatay ni Julia sa unang serye ng young actress sa ABS-CBN, ang Mara Clara.

Marami rin ang nakapansin ng ma­laking pagkakahawig ng mag-ama. Hindi kataka-takang napakagandang bata ni Julia dahil ang gwapo naman pala ng kanyang biological dad.

Pelikula ni Paolo tinaob na raw ang VKJ nina Julia!

As of press time, ayon sa aming reliable source ay naungusan na ng Die Beautiful ang Vince & Kath & James sa box-office.

Mula kasi noong Dec. 25 ay balitang ang VKJ ang top grosser at pumapangalawa ang Die Beautiful. Ngayon ay nagkabaligtad na raw ang ranking, sey ng aming source.

Pero ito ay sa Metro Manila lang at hindi pa kasama ang probinsiya. Hindi raw kasi makwenta pa ang sales sa probinsiya dahil may mga iba pang non-filmfest na showing tulad ng Super Parental Guardians ni Vice Ganda at Coco Martin and Enteng Kabisote 10 ni Vic Sotto.

Ang Die Beautiful ay pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros habang ang VKJ naman stars Julia Barretto, Joshua Garcia and Ronnie Alonte.

KC, Jessy, Jennylyn, at Liza pinainit ng mga dyowa ang pasko

Samahang maiinit ang Pasko ang dapat itawag kina KC Concepcion, Jessy Mendiola, Jennylyn Mercado at Liza Soberano dahil ipinagdiwang nila ang Kapaskuhan kasama ang kani-kanilang boyfriend.

Si KC with Aly Borromero, Jessy with Luis Manzano, Jennylyn with Dennis Trillo and Liza with Enrique Gil.

Si KC, nag-dinner kasama ng family ni Aly nu’ng Christmas day. Si Luis naman ang nagpunta sa bahay ni Jessy para makasama ang pamilya nito nu’ng araw ng Pasko, same with Dennis na nagpunta rin sa bahay ni Jen. Habang sina Liza at Enrique, nakitang magkasamang nag-celebrate ng Pasko with their friends at pamilya ng aktor sa Batangas kung saan nag-enjoy sila sa beach.

Vhong hanggang tingin lang kay Kim!

Ayon kay Vhong Navarro, hanggang paghanga na lang siya sa leading lady niya sa Mang Kepweng Returns na si Kim Domingo dahil nga very loyal daw siya talaga sa kanyang girlfriend.

“Ako po’y isang tao lamang na humahanga  po sa kagandahan ng mga kababaihan at ang magagawa po natin ay hanggang tingin na lang po tayo.  Humahanga po tayo sa kanyang kagandahan,” he said.

May kissing scene sina Vhong at Kim sa Mang Kepweng Returns at maayos naman daw nilang nagawa ang hinihingi sa eksena.

“Ang medyo nahirapan po ako ay nun’g first day namin na nagkaeksena, kasi first shooting day namin kami nag-meet. So, ‘yun lang po ang occasion na nahirapan akong mag-adjust kasi kaila­ngan ko po siyang makilala, eh,” sey niya.

Showing na ngayong Jan. 4 ang Mang Kepweng Returns bilang opening film for 2017.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with