^

Punto Mo

Huwag munang tumanggap sa China

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ANUMAN ang alok na tulong ng China lalo na ang armas ay huwag munang tanggapin ng Pilipinas.

Ito ay upang maiwasan na makumpromiso ang Pilipinas sa hinahabol nito sa pag-aaari ng West Philippine sea na inaangkin ng China.

May alok ang China na armas para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapalakas ang puwersa ng bansa.

Ayon sa liderato ng AFP, wala raw masama kung tanggapin ang bigay na armas ng China.

Parang hindi na nag-iisip ang AFP dahil kung tatanggapin ang nasabing armas, magiging committed na ang Pilipinas at baka malagay sa alanganin ang paghahabol natin sa South China sea.

Ayon sa AFP, wala naman daw kondisyon ang iniaalok na  armas mg China sa Pilipinas.

Ang masaklap, lalong madedehado ang interes ng mga Pilipino kung basta-basta tatanggap ng anumang regalo mula sa China.

Pag-isipang mabuti ng gobyerno at kung maari ay ikunsulta sa taumbayan tulad sa dalawang kapulungan ng Kongreso upang walang sisihan anuman ang desisyon ng gobyerno sa usaping ito na maaring makaapekto sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with