^

PSN Showbiz

Mother Lily at Father Remy nagpaiyak nung Pasko!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily at Father Remy nagpaiyak nung Pasko!

Mother Lily Monteverde at Father Remy

Masaya ang dinner na handog ni Mother Lily Monteverde para sa kanyang asawa na si Father Remy na nagdiwang ng 80th birthday sa Gloria Maris restaurant sa Greenhills noong December 25.

Yes, Pasko nang isilang si Father Remy kaya double celebration ang nangyari.

Punumpuno ng mga bisita ang grand ballroom ng Gloria Maris dahil dumating ang lahat ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng mga Monteverde.

Kumpleto ang mga apo nina Mother at Father na mula pa sa Amerika at umuwi  ng Pilipinas para sa 80th birthday party ng kanilang lolo.

Highlight ng birthday party ni Father Remy ang song number ni Mother Lily na dedicated sa kanya.

May-I-sing ni Mother ang theme song nila ni Father, ang From the Candy Store.

Inumpisahan ni Mother ang pagkanta habang naglalakad siya mula sa entrance ng grandballroom hanggang sa puwesto ni Father.

Tumawa lang si Mother sa dialogue ko na binigyan niya ng bonggang birthday party si Father para lang makakanta siya.

 Touching ang moment na kapwa napaluha ang mag-dyowa habang kinakanta ni Mother ang From the Candy Store. Naiyak kaya si Father sa tuwa o dahil wala sa tono ang pagkanta ni Mother? Joke lang ‘no!

Siyempre, nag-throwback ako nang patugtugin ang Through the Years, isa sa mga favorite song ko na inawit ni Kenny Rogers. Bagay na bagay sa love affair nina Father at Mother ang lyrics ng Through the Years.

Base sa kuwento ng kanyang asawa, mga anak at apo, ideal husband, father and grandfather si Father Remy na epitome ng isang tao na super kalmante kaya made for each other talaga sila ni Mother.

Tuwing Linggo, hindi puwedeng hindi magsisimba si Father ng 7 a.m., kasama ang kanyang mga anak at apo. Kinukumpleto rin niya ang Simbang Gabi.

Siya rin ang nagturo sa mga anak at apo niya na maging kalma kapag may mga pagsubok na pinagdaraanan.

Ang sey nga ni Mother, malaki ang contribution ni Father sa success niya bilang movie producer dahil very supportive ang kanyang mister.

Palaging ikinukuwento ni Mother na siya ang nanligaw kay Father na star basketball player sa San Beda College noong kabataan niya.

Matangkad, guwapo at marami ang mga babae na may gusto kay Father pero si Mother ang nagwagi dahil ito ang pinakasalan.

Namana ni Dondon Monteverde, ang produ ng Reality Entertainment, ang ugali ng tatay niya. Soft spoken at hindi madaling mataranta si Dondon na masayang-masaya dahil humahataw sa takilya ang filmfest entry niya, ang Seklusyon.

Review ng Die Beautiful lahat magaganda

Masaya sa table namin dahil bumaha ang mga ampao mula kina Mother, Annabelle Rama, at Taal Mayor Pong Mercado.

Ang resulta sa box office sa unang araw ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) ang topic sa table namin nina Ricky Lo, Malou Fagar, Ronald Constantino, Ethel Ramos, Jake Tordesillas, Mayor Pong, Maryo J. delos Reyes, Gorgy Rula, Allan Diones, at Jojo Gabinete.

Ang Die Beautiful, Seklusyon at Vince & Kath & James ang Top 3 sa walong pelikula na official entries sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Happy si Mother at ang kanyang anak na si Roselle dahil mga co-producer sila nina Jun Lana at Perci Intalan sa Die Beautiful na bukod sa pinipilahan sa takilya, bonggang-bongga ang mga positive feedback kaya nasa Cloud 9 ang pakiramdam ni Paolo Ballesteros, ang lead actor ng pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with