^

Probinsiya

Senglot nag-amok pinag-Noche Buena ng bala

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Senglot nag-amok pinag-Noche Buena ng bala

Kinilala ni SPO1 Emmanuel Padul ang napatay na si Regie Rivera ng Barangay Maura habang sumuko naman ang suspek na si PO1 Roderick Ortiz, 29, ng nasabing barangay. Philstar.com/File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 34-anyos na mangingisdang senglot na sinasabing nagwala matapos itong pagbabarilin ng nagbabakasyong pulis-Pasay sa Barangay Paddaya, bayan ng Aparri, Cagayan noong bisperas ng Pasko. ?

Kinilala ni SPO1 Emmanuel Padul ang napatay na si Regie Rivera ng Barangay Maura habang sumuko naman ang suspek na si PO1 Roderick Ortiz, 29, ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang Noche Buena ay sinugod ni Rivera ang bahay ng dating ka-live-in nitong si Nora Alviar na kanyang kinaladkad palabas ng bahay.?

Dahil sa komosyon ay lumabas ang kapitbahay na si P01 Ortiz at nagpaputok ng kanyang cal. 9mm pistol sa ere kaya tumakbo palayo ang biktima habang minumura ang pulis.?

Gayon pa man, sinundan ng pulis saka niratrat at napatay ang biktima sa tapat ng bahay ni Kagawad Angelito Mape.?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with