300 international, domestic flights kinansela
MANILA, Philippines - Mahigit sa 300 international at domestic flights ang kinansela ang mga biyahe sa lahat ng mga terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng bagyong si Nina kahit na humina ito matapos ang ilang landfall.
Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, na patuloy nilang mino-monitor ang kaganapan sa lahat ng terminal sa NAIA para alamin ang mga kalagayan ng mga pasahero rito na na-istranded. Samantala, nagkaroon na nang recovery flights ang ilang airline companies kahapon para bumiye na ang kanilang eroplano dahil gumanda na ang panahon.
Inaasahang babalik na sa normal ang operasyon ng mga biyahe sa ilang domestic at international flights.
- Latest