^

Bansa

Holdap: Chinese trader, sekyu patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang isang negos­yanteng Chinese ang napatay habang tatlo pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang holdaper sa loob ng kanilang establisyemento sa Bacolod City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Changle Wu at Jilber Mayang, 40, security guard ng JDS Mindoro Enterprises Corporation.

Isinugod naman sa Riverside Medical Cen­ter ang mga sugatang biktima na sina Yuan Long Huang, Zhang Xiao Dong at si Wei Quang Huang.

Sa ulat ng Bacolod City Police na naisu­mite sa Camp Crame, naitala ang madugong robbery/holdup dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng JDS Mindoro Enterprises Corporation sa kahabaan ng Locsin-Luzuriaga Street sa Barangay 13.

Sa inisyal na imbestigasyon, mag-isang pumasok sa establisyemento ang suspek na nakasuot ng kulay pula at itim na helmet na armado ng armalite rifle na agad binaril ang security guard.

Binaril naman ng suspek ang mga biktima na noo’y nagbibilang ng kinita nila sa establisyemento matapos itong magsara.

Sunud-sunod na putok ang umalingaw­ngaw bago namataang tumatakas ang suspek tangay ang P1 milyon cash na hindi pa nakuntento ay tinangay din ang baril ng security guard.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal. 5.56mm rifle sa crime scene.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with