^

PSN Showbiz

Mga Hiwalayan at Kasalan sa 2016!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw na lamang at magtatapos na ang taong 2016 at papasok na ang Bagong Taon – 2017.

Napakaraming memorable and controversial events ang nangyari sa loob ng taong kasalukuyan.   Maraming kasalan at marriage proposals ang nangyari sa taong ito pero marami rin naman ang nauwi sa hiwalayan.

Naging sunud-sunod ang break-ups ng ilang showbiz couples tulad nina Luis Manzano at Angel Locsin, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, Donita Rose at Eric Villarama, Sunshine Dizon at Timothy Tan, Ciara Sotto at Jojo Oconer, Gab Valenciano at Tricia Centenera at nagmuntik-muntikanan ding mauwi sa hiwalayan ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ang couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ang nanguna sa kasalan ngayong taon. Sa taong ding ito ikinasal sina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes ganundin sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Kasama naman sa engaged couple this year ang bunsong anak ni Vic (Bossing) Sotto kay Angela Luz na si Paulina Sotto at Jed Llanes. Luis Alandy at Joselle Fernandez, Camille Prats at JB Yambot, Anne Curtis at Erwan Heussaff ganundin sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Mag-Asawang Perci at Jun mag-iisang taon na ang anak

Taong 2013 nang magpakasal ang showbiz couple na sina Direk Jun Lana at Perci Intalan sa New York, USA. Ang mag-asawa ang siyang producer at director ng pelikulang Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros, isa sa walong pelikulang kalahok sa ongoing MMFF.

At on December 28 ay mag-iisang taon na ang adopted son nina Jun at Perci na siyang pinag­huhugutan nila ngayon ng inspirasyon.

Since hindi pa naman maiintindihan ng ba­gets ang magiging kaganapan on his first birthday, isang intimate family affair lamang ang magaganap lalupa’t abala ang couple sa pag-iikot at pagmu-monitor ng  Die Beautiful sa mga sinehan simula sa araw na ito.

Samantala, naniniwala sina Jun at Perci na lalong magiging in-demand si Paolo after seeing him sa Die Beautiful.  Balak din nilang gumawa ng follow-up movie ng aktor sa kanilang film outfit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with