^

PSN Showbiz

Sunshine ayaw pa ring balikan ang asawa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Mabuti na lang at hindi inulan ang Parade of Stars ng Metro Manila FilmFestival 2016 noong isang araw na nagsimula sa Manila City Hall at nagtapos sa Plaza Miranda.

Ang float ng Ang Babae sa Septic Tank 2 ang isa sa may pinakamagandang design at masayang-masaya ang bida ng naturang pelikula na si Eugene Domingo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao.

Nagpapasalamat siya at hindi raw sila inulan ng nakaambang pagpasok ng bagyong Nina.

Isa raw si Uge sa nagdara­sal na sana ay lumihis lang ang bag­­­yo at hindi ito manalanta sa pag­si­si­­mula ng MMFF.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Uge ang tsikang sila nina Nora Aunor at Irma Adlawan ang maglalaban sa Best Actress category.

Sabi ng Kapuso actress/TV host : “Hindi naman po ako nakipag-compete. Ang gusto ko lang talaga ay lumabas ang mga tao sa Pasko para suportahan ang mga pelikula ng MMFF.”

Pagkatapos nung parada ay lumipad pa-Europe si Eugene para doon mag-Pasko kasama ang kanyang Italian boyfriend.

PAK : Totoo kayang nagtampo raw ang mga taga-Seklusyon kay Ronnie Alonte dahil sandali lang itong sumakay sa kanilang float?

Mula lang daw tulay ng Ongpin hanggang Recto lang ito nagtagal sa float ng nasabing pelikula at mu­ling bumalik sa float ng Vince & Kath & James.

Sa mga nakaraang interview kasi ni Ronnie, sinabi niyang hahatiin niya ang pagsakay ng karosa.

Sa Vince & Kath & James unang sumakay si Ronnie kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Binanggit din niya sa mga nag-interview na
half-way daw  ay lilipat na siya ng Seklusyon na nakasunod lang sa kanilang karosa. Pero hanggang sa nakarating sa Plaza Miranda, wala naman si Ronnie sa Seklusyon.

BOOM : Pagkatapos ilabas ni Timothy Tan ang statement na humihingi siya ng patawad kay Sunshine Dizon at sa da­lawa nilang anak, kaagad nilinaw ng kampo ng Kapuso actress na hindi sila nagkabalikang mag-asawa.

Ayaw muna nilang magbigay ng pahayag kaugnay dito, pero nagpadala na rin ang manager ni Sunshine na si Perry Lansigan ng statement mula sa aktres.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Sunshine : “I appreciate Tim’s public apology, and I accept it in the spirit of Christmas and for the sake of our two children, I want to clarify that we have not reconciled.
Everything we do at this point is simply for the best interests and welfare of our children.

“I will issue a lengt hier statement after the holidays. For now, I am just relieved that my children and I can enjoy the holidays in peace.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with