^

Probinsiya

Ama inutas sa harap ng anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bumulagta sa harap ng kanyang anak ang 49-anyos na ama matapos itong ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa loob ng bahay sa Purok Santan, Brgy. Tugbo, Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang  biktimang si Henry S. Manacho habang nakatulala naman ang 1-anyos nitong anak na nakasaksi sa pamamaril sa kanyang tatay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang pasukin at ratratin ang biktima sa harap mismo ng kanyang anak. Kahit sugatan ay nakatakbo pa ang biktima patungo sa kusina kung saan siya bumulagta. Nakarekober sa crime scene ang 11-basyo ng bala ng cal .9mm pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with