^

Probinsiya

Sanggol dinukot sa ospital

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sanggol dinukot sa ospital

Sa ulat ni P/Chief Supt. Elmo Francis Sarona na naisumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Benguet General Hospital bandang alas-4:18 ng hapon. Base sa salaysay ng ama na ni Jonathan Vicente Jr., 3-araw pa lamang naisisilang ang sanggol na si John Miller Vicente. File photo

MANILA, Philippines – Nawawala ang bagong silang na sanggol matapos itong dukutin ng hindi kilalang lalaki na nagpakilalang doktor sa ospital sa bayan ng La Trinidad, Benguet noong Martes ng hapon.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Elmo Francis Sarona na naisumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Benguet General Hospital bandang alas-4:18 ng hapon.

Base sa salaysay ng ama na ni Jonathan Vicente Jr., 3-araw pa lamang naisisilang ang sanggol na si John Miller Vicente.

Nabatid na nagpakilala lamang na Dr. Ramos ang nagtungo sa OB-08 Charity ward kung saan nagpaalam sa ama na kukunin muna ang sanggol para malaman ang timbang nito.

Hindi naman pinasama ang ama at sinabihang maghintay na lamang sa kanilang ward kung saan ibabalik kaagad.

Gayunman, ilang oras matapos ito ay hindi pa bumabalik ang nagpakilalang doktor kaya nagtungo sila sa Doctor and Nurse station ng nasabing hospital para hanapin ang nasabing doctor.

Dito na nabatid na walang nagngangalang Dr. Ramos na nakadestino sa nasabing ospital.

Kasalukuyan nang sinusuri ng mga awtoridad ang footage ng closed circuit television (CCTV) camera para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na dumukot sa sanggol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with