^

Pang Movies

Kris naiyak sa ‘patama’ ni Maine!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Halos napaiyak ni Phenomenal Star Maine Mendoza si Ms. Kris Aquino nang una silang magkita sa taping nila ng kanyang digital show. Sa kanyang Facebook account ikinuwento ni Kris kung gaano ka-sincere si Maine nang magkausap sila at sabi nito: “Ms. Kris, gusto ko lang po mag-thank you. Kung wala po kayo, ang lahat ng ito ay hindi po mangyayari.” Ang tinutukoy ni Maine ay ang pagda-Dubsmash niya noon kay Kris na naging viral sa YouTube at doon siya unang nakilala, hanggang sa nakuha nga siya ng Eat Bulaga and the rest is history.

Alam ni Kris na heartfelt ang pasasalamat ni Maine kaya sa ending ng kanyang video, nagpasalamat din siya kay Maine. “Maine, thank you for the wonderful movie date (nanood sila ng Enteng Kabisote 10 And The Abangers), for invigorating my self-confidence, and for inspiring me to do so much more for all future spoofers and dubsmashers.”

Magic 8 ng MMFF ipinakilala, gabi ng parangal binago ang petsa

Natuloy ang launch ng walong official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Skydome sa SM North last Saturday, December 3.  Balitang sinuportahan ito ng mga artistang may entry, headed by Ms. Nora Aunor for her movie Kabi­sera, Paolo Ballesteros for Die Beautiful, Eugene Domingo for Ang Babae sa Septic Tank 2, at iba pang hindi na namin mga kilala. 

Nagpasalamat sila sa suportang ibinigay sa kanila ng pamunuan ng MMFF at sa fans na dumalo sa launch.

May pagbabago sa announcement nila. Kung sabi ay wala nang Parade of Stars sa December 23, tuloy na raw ito. At nabago na rin ang gabi ng parangal, sa halip ng una nilang announcement na after na ng festival, sa January 8, 2017 ang awards night, gagawin na ito sa December 29, sa Kia Theatre sa Araneta Center, Cubao. 

Baka nga naman makatulong pa rin sa mga kalahok na pelikula na kumita kapag nanalo ng awards ang kanilang pelikula. Pero maghintay pa tayo dahil baka may pagbabago pa bago magsimula ang festival sa December 25.

Dating MMDA chairman Francis Tolentino, nalungkot na panay indie ang kasali sa filmfest

Nalungkot pala si former MMDA Chairman at Executive Chairman ng MMFF na si Francis Tolentino nang malaman niyang mga indie film ang bumuo ng Top Eight movies para sa December filmfest this year. 

Bakit daw hindi naman pinagbigyan na kahit three or four mainstream movies ang piniling kalahok dahil ito ang inaasahan ng mga manonood, lalo na ang mga bata kapag Pasko. Wala naman daw tutol si Mr. Tolentino sa indie films, dahil tinulungan din naman niya ito sa anim na taong panunungkulan niya, nag-create siya ng New Wave section sa festival na ipinalabas a week bago ang festival at naging successful naman ito. Kaya nanghinayang siya na ganoon ang nangyaring selection of entries. Malungkot din si Mr. Tolentino kung hindi maabot ng MMFF ang kanilang target gross.

So, ang hihintayin na lamang kung totoo na hindi na mamimigay ng festival pass this year. Nasa publicity kami ni Ronald Constantino ng MMFF for the past six years at hindi nagkait ang pamunuan ni Mr. Tolentino na mamigay ng festival pass especially sa mga entertainment press, including invitations and car pass sa Parade of Stars at sa Gabi ng Parangal.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with