^

PSN Showbiz

Kahit ‘di maganda ang reviews, pelikula nina Vice Ganda at Coco pinipilahan pa rin; trailer ng Die Beautiful ni Paolo naka-1-M na ng views!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kahit âdi maganda ang reviews, pelikula nina Vice Ganda at Coco pinipilahan pa rin; trailer ng Die Beautiful ni Paolo naka-1-M na ng views!

Coco Martin

SEEN:  “Let’s move forward na lang. Hehe.. kapit lang mga bes.. You will not leave me nor forsake me,” ang reaksyon ni Baron Geisler sa “ban” sa kanya ng PAMI, ang samahan ng mga talent manager.

SCENE: Pinipilahan pa rin sa box office noong weekend ang The Super Parental Guardians, sa kabila ng unfavorable reviews sa blockbuster movie nina Vice Ganda at Coco Martin.

SEEN: International Superstar from the Philippines ang pagkakakilala kay Christian Bautista ng mga tagahanga niya sa Indonesia. By invitation only ang concert kagabi ni Christian sa Medan, Indonesia.

SCENE: Mainit ang pagtanggap kina Coco Martin, Yassi Pressman, Xymon Pineda, at Pepe Herrera ng Pinoy fans sa show nila sa Al Nasr Leisureland, Dubai noong Sabado.

SEEN: Maligayang-maligaya si Paolo Ballesteros at ang direktor na si Jun Lana dahil pumalo agad sa one million views sa unang labas ang trailer ng Die Beautiful, ang pelikula nila na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

SCENE: Kahapon ang 19th birthday ni Ruru Madrid na ipinagdiwang niya noong Sabado sa isang resort at events place sa Marikina City. Special guest ni Ruru ang kanyang rumored girlfriend na si Gabbi Garcia.

SEEN: One year older si Ruru Madrid kay Gabbi Garcia na gaganapin bukas ang 18th debut party sa isang hotel sa Pasay City. Imbitado ni Gabbi ang lahat ng mga co-star niya sa Encantadia dahil wala silang taping bukas.

SCENE: Nalaglag sa hagdan ng stage pero hindi nasaktan si Scarlet Belo habang nagpe-perform si Gary Valenciano sa Christmas party ng mga empleyado ng Belo Medical Clinic sa Dusit Thani Hotel.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with