^

Krema

Krema (27)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUNG sa ibang babae, magagalit kapag hindi siya ipinakilala sa mga kaanak. Ayaw nilang inililihim sila ng asawa niya. Pero si Krema, okey lang sa kanya, Tiyo Mon?’’ Tanong ni Lex makaraang tumagay ng imported na dala niya. Dumampot siya ng sitsarong balat ng pugo at isinawsaw sa sukang may sili. Manamis-namis ang suka na binabaran ng sugarcane. Napakasarap ng sitsarong balat ng pugo.

“Hindi siya nagagalit Lex, Pinag-usapan na namin ang lahat. Wala siyang reklamo. Bahala raw ako. Susunod lang daw siya sa mga sasabihin at lahat nang plano ko.’’

“Napakamaunawain ni Krema.’’

“Oo, maunawain siya. Walang katulad,’’

“Tinatanong nga pala ako ni Mama kung ano ang lagay mo rito. Maa-yos ka raw ba rito?’’

“Putang-ina! Hindi na ako naalala ng mama mo. Palibhasa’y wala akong pera at narito sa bukid.’’

‘‘Hindi Tiyo Mon. Gus­to ka ngang dalawin dito pero di ba, ikaw ang nagsabi na huwag kong sasabihin na nag-asawa ka?’’

“Ay putang-ina, oo nga ano? Malalaman ng mama mo kapag nagpunta siya rito. Mabuti at naipaalala mo.’’

‘‘Kaya nga ako na lang nagpunta rito. Pina­dalhan ka nga ng kung anu-anong pagkain diyan.’’

“Sabihin mo salamat. Siguro hindi na kami mag­kikita ng mama mo.’’

“Bakit naman? Ma-lakas ka pa sa kalabaw ah?’’

“Kahit ang kalabaw, tumatanda at nanghihi­na.’’

“Basta alagaan mo ang katawan at hahaba ang buhay mo. Hindi ka naman naninigarilyo. Pa­konti-konti lang ang inom ng alak gaya nito.’’

“Oo nga, At saka nakakabata ang may-asa­wang maganda at sariwa.’’

Napangiti lang si Lex. Hinanap niya kung nasaan si Krema. Wala Baka nasa silid nito at umi­idlip. Mag-aalas singko na ng hapon pero maliwanag pa sa paligid.

“Mabuti at pinayagan ka ng kompanya na umuwi uli rito. Ano ngang trabaho mo uli, Lex?’’

Malilimutin na ang kanyang tiyo.

“Account Exe­cu­tive ako sa di-yar­yo, Tiyo. Nagso-soli-cit ng advertisement.’’

“Ah oo. Putang-ina, malilimutin na ako.’’

Sinalinan ng kanyang tiyo ng alak ang kanilang baso.

“Inom pa, aba. Marami pa ito. Kain nang pulutan!’’

Uminom pa sila.

Hanggang sa makatulog ang kanyang tiyo.

Kailangang mailipat sa papag. Tumayo siya para hanapin si Krema at bubuhatin nila ang kanyang tiyo.

Tiningnan niya sa kuwarto. Wala.

Nakarinig siya nang nagbubuhos sa batalan.

Tinungo niya at sinilip. Si Krema! Naliligo!

(Itutuloy)

KREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with