^

Pang Movies

Pero hindi para gumanda Miss Earth 2016 Katherine Espin aminadong nagparetoke

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pero hindi para gumanda Miss Earth 2016 Katherine Espin aminadong nagparetoke
Katherin Espin

Nagsalita na ang nakoronahang Miss Earth 2016 na si Katherine Espin ng Ecuador tungkol sa mga kontrobersya sa dating Miss Philippine Earth na si Imelda Schweighart.

Nag-resign si Imelda pagkatapos na mag-viral ang mga masasamang sinabi nito tungkol kay Miss Ecuador.

Kabilang sa mga pinagkalat ni Imelda ay ang pagiging retokada raw ni Miss Ecuador. Nag-apologize naman si Imelda sa kanyang mga sinabi pagkatapos niyang mag-resign bilang Miss Philippine Earth.

“I didn’t mean to offend Miss Ecuador. I don’t know her well enough but she was my roommate and I’m sorry if I was able to say that,” sey pa ni Imelda.

Hindi naman itinatago ni Miss Ecuador na dumaan nga siya sa pagretoke ng kanyang mukha, but not for aesthetic purposes kundi dahil sa pinagdaanan niyang facial paralysis noong teenager pa lang siya.

Corrective surgery ang ginawa kay Miss Ecuador para maayos ang nangyari sa kanyang mukha dahil sa facial paralysis.

“I hope that anytime, I can be able to talk to her about it.

“I hope she really puts all her best to overcome the issues and be able to make her dreams come true because she really wants to be successful,” mensahe pa ni Miss Ecuador kay Imelda Schweighart.

Mariah humihingi ng $50-M at mansion sa ex!

Sa gitna nang pinagdadaanang paghihiwalay nila Mariah Carey at ng billionaire fiancé niyang si James Packer, na-legalize na ng court ang divorce ng singer sa kanyang estranged husband na si Nick Canon.

Na-finalize na ang divorce papers ng dating mag-asawa na inabot ng almost two years.

Nag-file for divorce sina Mariah at Nick noong December 2014.

Ayon kay Nick: “I wish it was that easy where you can just sign something and say, ‘Oh, I’m done,’ but it’s a lot of things that go with that are beyond my control.

“The only thing that’s important to me is my children. I want what’s best for them. I believe my ex feels the exact same way.”

Nagkasama lang ang dating mag-asawa noong nakaraang Halloween kung saan sinamahan nilang mag-trick or treat ang kanilang twins na sina Moroccan and Monroe.

Nag-file naman si Mariah ng isang “separation settlement” sa kanyang ex-fiancé. Humingi si Mariah ng $50 million dahil ilang concert tour dates daw niya ang kanyang kinansela dahil sa request ni Packer. Humihingi rin ang diva ng isang mansion sa New York para matirhan nila ng kanyang mga anak.

Rason ni Mariah ay pinilit daw siya ni James na lumipat sila ng kanyang mga anak sa Los Angeles at iwan ang tinitirhan nila sa New York.

Na kay Mariah pa rin ang 35-carat diamond engagement ring na bigay ni James. Pero suot na niya ito sa kanyang kanang kamay.

Matapos ang hiwalayan, Eula mas tumibay ang relasyon sa BF

Hindi itinago ni Eula Valdez ang muntik nang mauwi sa tuluyang paghihiwalay ang relasyon niya sa kanyang boyfriend na model-actor na si Rocky Salumbides.

Pero dahil sa nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap, naging okay na ulit ang relasyon nila.

“Nagkaroon talaga kami ng problema. Pero I won’t go into details pa. Pero first time kong ipinaglaban ang relasyon kong ito.

“Masaya lang ako kasi maraming nagbigay ng advice sa akin.

“From my friends in and out of showbiz, parang concern sila sa relasyon ko.

“Medyo napraning kasi sila sa isang post ko sa Facebook. Parang nahulaan nila agad na may something wrong sa amin ni Rocky,” diin ni Eula.

Pati nga raw mga anak ni Eula na sina Miguel at Juliana ay kasama rin sa kumausap sa kanya para maayos ang problema nila ni Rocky.

“My kids are close to Rocky. Kaya nandoon ang concern nila para sa amin.

“Kung ako lang siguro, dinedma ko na lang ang lahat. Gano’n ako eh. But my kids, sila ang nagpu-push sa akin to do something about it.

“Sabi nga ng eldest ko na si Miguel, ‘iyon ba talaga ang gusto mo, pabayaan? So, itatapon mo na lang ba yung eight years?’

“That made me think. Oo nga naman, eight years is eight years. Bakit ko siya basta na lang itatapon, ‘di ba?

“Sobrang bait na tao ni Rocky, wala akong maisip na rason para magalit sa kanya.

“So first time in my life, ipinaglaban ko ‘yung love sa buong buhay ko,” diin pa ni Eula.

Pagkatapos  ng isang buwan na nagkahiwalay sila, okey na ulit ang relasyon nina Eula at Rocky. Mas stronger pa raw sila ngayon.

“Walang kuwestiyon na mahal ako ni Rocky, meron lang akong mga pagkukulang na nakapag-push sa kanya doon sa hindi magandang nangyari.

“Now, we are stronger than ever. Kailangan lang ng maayos na communication,” pagtatapos pa ni Eula na kasama sa cast ng GMA teleserye na Hahamakin Ang Lahat.

vuukle comment

MISS EARTH 2016 NA SI KATHERINE ESPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with