^

PSN Showbiz

UH at 24 Oras may pa-serbisyo sa sementeryo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng tig-isang Serbisyong Totoo booth sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery ngayong Undas ang longest-running morning show sa bansa na Unang Hirit at nangungunang primetime newscast na 24 Oras mula Lunes (Oct. 31) hanggang Miyerkules (Nov. 2). Bawat Serbisyong Totoo booth ay magkakaloob sa publiko ng libre at unlimited water refill; charging stations para sa mobile phones at gadgets; security name tags para sa mga bata; at iba pang freebies tulad ng candy, handy fan, garbage bag, kandila, at bulaklak.

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, maglalaan din ng first aid service sa mga nasabing booth.

Ipagpapatuloy rin ng Serbisyong Totoo booth ang proyekto nitong Palit Plastic Bottle project, na naglalayong mag-promote ng recycling at ng pagbabawas ng mga kalat sa sementeryo ngayong Undas. Ang mga bote ay ibibigay sa Tzu Chi Foundation na gagamitin ang mga ito para gumawa ng mga silya at kumot para sa mga charitable institution. Makakakuha naman ng tokens ang mga magbibigay ng bote. Libre ang mga serbisyong ito simula 5 a.m. hanggang 10 p.m. sa Oct. 31 at November 1; at mula 5 a.m. hanggang 1 p.m. naman sa Nov. 2.

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with