Lovelife ni Iñigo mas active pa kesa kay Piolo, Sam feeling lucky sa gf!
Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang ika-10 taon ng Star Magic Ball, ang annual event organized ng talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic na hindi maiwasang mabahiran ng kontrobersiya dahil sa ilang pasaway na talents.
Pero except for some minor hitches, napaka-successful ang nagtapos na Star Magic Ball na dinaluhan ng Kapamilya stars and talents.
Although given na ang pagdalo ng iba’t ibang celebrity couples tulad ng mag-asawang Dawn Zulueta at kinatawan ng Davao del Norte na si Anton Lagdameo, ang mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes, Jolina Magdangal at Mark Escueta, Jericho Rosales at Kim Jones, ang magkasintahang Billy Crawford at Coleen Garcia, ang mag-asawang Patrick Garcia and Nikka Martinez, Nyoy Volante at wife nitong si Mikkie Bradshaw, ang engaged to be married in December na sina Bangs Garcia at Lloyd Birchmore, Yeng Constantino at Yan Asuncion, Sen. Grace Poe and husband Neil Llamanzares, ang magka-loveteam na sina Kim Chiu at Xian Lim, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano, ang magkasintahang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga at iba pa, naging revelation naman ang pagdating na magkasama sina Luis Manzano and his new love na si Jessy Mendiola, ang napapabalitang nagkabalikan na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, ang nabuong loveteam sa loob ng PBB: Lucky Season 7 house na sina Elisse Joson at McCoy de Leon, Elmo Magalona at Janella Salvador at maging ang magkasintahan na napabalitang nag-break na umano na sina Jovit Baldovino at Chara Chavez at maging ang first public appearance ng bagong magkasintahang Sam Milby at Mari Jasmine, sina Diego Loyzaga at Sofia Andres at maging si Iñigo Pascual kasama si Kelley Day.
Mag-isa namang dumating sa Star Magic Ball sina Piolo Pascual, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, at iba pa. Mag-isa ring dumating si Matteo Guidicelli minus his girlfriend na si Sarah Geronimo. Wala ring kasama si Enchong Dee na hiwalay na sa kanyang ex-GF na si Samantha Lewis.
Kring-Kring at Sofia parang magkabarkada lang
Super excited ang panganay na anak nina dating Tacloban City mayor na si Alfred Romualdez at ang kasulukuyang mayor ng siyudad na si Cristina “Kring-Kring” Gonzalez-Romualdez, ang 17-year-old na si Sofia Gonzalez dahil natupad na rin sa wakas ang kanyang pangarap na maging isang recording artist ng isang major record company.
Sofia, who recently inked an exclusive co-management contract with Viva Entertainment at sa inyong lingkod ay nag-record na ng kanyang debut single, ang original song na Pikit Mata na komposisyon ng young composer na si Nica del Rosario. Nakatakda ring i-record ni Sofia ang sarili niyang composition na Love Hurts.
Open ang paghanga ni Sofia sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre at hindi nito ikinakaila na crush niya ang boyfie ni Nadine. Gusto rin umano niya ang loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Last Sunday (Oct. 23) afternoon ay naging in-studio guest namin ang mag-inang Mayor Kring-Kring at anak nitong si Sofia sa aming Inside Showbiz program with Shalala sa radio-TV program on DZRJ.
Nakakatuwa ang relasyon ng mag-ina na para lamang magkabarkada.
Aminado si Mayor Kring-Kring na mas talented at mas maganda ang boses ng kanyang panganay kaysa sa kanya.
Hindi ba naman takot si Mayor Kring-Kring na matawag na stage mom ni Sofia.
“No naman. I’m just here to guide and support her,” diin ng magandang alkalde ng Tacloban City.
- Latest