^

PSN Showbiz

Kris atat nang mapanood ang sarili sa TV!

KUNSABAGAY - Pilipino Star Ngayon
Kris atat nang mapanood ang sarili sa TV!
Kris

Nabahag ang buntot, Osang biglang kampi kay Digong Legal wife ng boyfriend ni Sunshine Cruz lumutang na!

SEEN: Ramdam na miss na miss na ni Kris Aquino na mapanood uli ang sarili niya sa telebisyon. Bakas sa tono ng boses at mga statement na nagpaparamdam ito na makabalik sa ABS-CBN.

SCENE: Ang pag-amin ni Kris Aquino tungkol sa humility na natutunan niya dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career. Marami ang makapagpapatunay na nagbago ang ugali ni Kris noong nasa puwesto pa ang kanyang kapatid na si Noynoy Aquino.

SEEN: Negative ang reaksyon ng publiko sa statement ni Rosanna Roces na suportado nito ang anti-illegal drug campaign ni President Rodrigo Duterte. Pinagbibintangan si Rosanna na sumisipsip sa Duterte administration para hindi siya sampahan ng human trafficking case dahil sa kanyang mayabang na pag-amin tungkol sa pagbubugaw niya ng babae sa mga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisons.

SCENE: Bukod sa pagdadala ng mga babae sa New Bilibid Prisons na pinatotohanan ng drug lord na si Vicente Sy, iniuugnay si Rosanna Roces sa isyu ng paggamit ng illegal drugs.

SEEN: Ang babala kay Camille Fariñas-Mathay na mag-ingat sa mga basher na gumagamit ng fake accounts dahil posible na maging biktima siya. Si Camille ang legal wife ni Macky Mathay, ang bagong boyfriend ni Sunshine Cruz.

SCENE: Parang iisang tao lamang na gumagamit ng iba’t ibang mga pangalan ang nagtatanggol kay Sunshine Cruz dahil sa pagkakaugnay niya kay Macky Mathay na may asawa at tatlong anak.

SEEN: May sariling career sa social media si Richard Faulkerson, Sr., ang tatay ni Alden Richards. Mabentang-mabenta sa Facebook followers ng tatay ni Alden ang kanyang mga joke.

SCENE: Opisyal na inilabas kagabi ng Regal Entertainment, Inc. ang poster ng The Escort, ang pelikula na tinatampukan nina Lovi Poe, Derek Ramsay, at Christopher de Leon.

SEEN: Hindi man star material si Allen Abrenica, puwede pa rin siya sa mga character role na forte nina Mike Magat at Mon Confiado. Si Allen ang aspiring actor at kapatid na bunso nina Aljur at Vin Abrenica.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with