^

Dr. Love

Kulang sa sex drive

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maituturing na pong matanda na akong da­laga nang magpakasal sa boyfriend ko. Lampas 30-anyos na ako nang makaisip na mag-asawa sa kabila ng unang desisyon na kontento na sa pagiging single blessedness.

Mabait at responsable ang asawa ko at kapwa kami nagmamahalan.

Dahil biyaheng Bicol express na ako, nag-aapura na akong magkaanak kahit isa bago ma­ging ganap na tigang. Kaya gusto kong maging agresibo sa sex ang aking esposo. Pero wala eh, bago pa ako makatapos sa ginagawa kong lesson plan, pagdating ko sa silid namin, tulog na si Philip.

Dr. Love, hanggang ngayon ay wala akong maisip na dahilan para maging masyadong antukin ang asawa ko.  Ito ang ipinagmamaktol ko, dahil talagang hindi kami makakabuo kung wala siyang sex drive.

Ang problema ko po ngayon, may nakilala ako na nagpapakita ng interes sa akin. Balo siya at gusto niyang mawalay sa kalungkutan nang pagsosolo sa buhay. Gusto niyang magkaroon kami ng relasyon. Aminado po ako na sa kagustuhan kong magkaanak ay natutukso na ako. Inaalala ko lang ang katayuan ko bilang guro at ang kahihiyan sa sandaling mabuko ako ng aking asawa.

Pagpayuhan po ninyo ako. Maraming salamat po at God bless you always.

Gumagalang,

Annie

Dear Annie,

Nagsasalawahan ka ngayon gayong alam mo na nakatali ka na sa isang matrimonyo.

Kung ang reklamo mo ay ang kawalan ng sex drive ng iyong asawa, bakit kaya hindi mo siya kausapin at itanong kung mayroon siyang problemang pangkalusugan.

Puwede naman kayong sumangguni sa manggagamot para malaman mo ang problema. Kalimutan mo na ang alok ng lalaking hindi mo naman asawa. Dahil natitiyak kong pagsisisihan mo nang malaki, habang buhay ang idudulot nito sa ‘yo at sa buo mong pamilya kapag pumasok ka sa bawal na relasyon.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with