Hindi ako government asset – Jaybee Sebastian
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni high-profile inmate Jaybee Sebastian ang pahayag ni Sen. Leila de Lima na isa siyang asset ng gobyerno sa loob ng New Bilibid Prison.
Sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon ng Kamara ngayong Lunes ay nilinaw ni Sebastian na hindi siya asset tulad ng nabanggit ni De Lima.
Kasalukuyang tumetestigo si Sebastian kung saan isinisiwalat niya kung paano lumaganap ang ilegal na droga sa Bilibid.
BASAHIN: De Lima, 5 iba pa nasa lookout bulletin ng DOJ
Nabanggit din ni Sebastian na umabot sa P10 milyon ang naibigay niya kay De Lima para sa kaniyang pagtakbo bilang senador.
Itinanggi rin niya na may relasyon sila ni De Lima.
Sinabi pa ng high-profile inmate na ang karelasyon ni De Lima ay ang dating assistant ng senador na si Joenel Sanchez, habang hindi naman niya makumpirma ang kay Ronnie Dayan at sinabing hindi niya kilala ang dating driver.
Personal na inihanda ni Sebastian ang laman ng kaniyang salaysay na inilalahad ang lahat ng umano’y nalalaman niya sa kalakaran sa Bilibid.
- Latest