Castro Best Player of the Conference
MANILA, Philippines – Nasibak ang TNT Katropa sa semifinal se-ries ng 2016 PBA Go-vernor’s Cup.
At ang tanging konsolasyon na lamang para kay point guard Jayson Castro ay ang pag-angkin sa Best Player of the Conference trophy.
Nakamit ng 5-foot-10 na si Castro ang kanyang ikaapat na BPC award mula sa kanyang average na Statistical Points 38.3 kumpara sa 37.8 SPs ni back-to-back PBA Most Valua-ble Player June Mar Fa-jardo ng San Miguel.
Iginiya ng 30-anyos na produkto ng Philip-pine Christian University ang Tropang Texters sa top spot sa kanilang 10-1 record sa elimination round bago napatalsik ng Meralco Bolts, 3-1, sa kanilang best-of-five semifinals series.
Nagposte si Castro ng mga averages na 23.1 points, 3.8 rebounds, 7.4 assists at 1.1 steals per game para sa TNT Ka-tropa sa kanilang kampanya sa season-ending conference.
Samantala, napasa-kamay ni Allen Durham ng Meralco ang Best Import trophy sa kanyang paggiya sa Bolts sa kauna-unahang PBA Finals appearance.
Tinalo ni Durham para sa award si Justin Brownlee ng Ginebra.
Kumamada si Durham ng mga averages na 29.4 points, 15.2 rebounds, 4.9 assists, 1.1 steals at 1.4 blocks per game.
Ang 28-anyos na balik-import ang ikalawang reinforcement ng Meralco na hinirang na PBA Best Import matapos si Arinze Onuaku sa nakaraang Commissio-ner’s Cup.
Umiskor si Durham ng 46 points sa 114-109 overtime win ng Bolts laban sa Ginebra Gin Kings sa Game One no-ong Biyernes.
- Latest