Walong sunod sa Green Archers
MANILA, Philippines – Nanatiling walang talo ang league-leading na La Salle matapos manaig sa kanilang laban kontra sa Adamson sa iskor na 86-79 sa Season 79 ng UAAP men’s basketball tournament kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Nalusutan ng Green Archers ang pananalasa ni Falcons rookie Jerrick Ahanmisi na itinala ang 11 sa kanyang 27 puntos sa fourth quarter upang tapyasin sa dalawa, 81-79, sa huling 1:26 ng laban nang makapagbuslo ng tres si Kib Montalbo sa 46.7 segundo ng nasabing yugto.
“Close game,” paha-yag ni La Salle coach Aldin Ayo. “Even ganoon ‘yung sitwasyon hindi kami aalis sa sistema namin. Iyong mga ganoong klaseng laro ang gustong maranasan ng mga bata, ‘yung spontaneous. Good thing they responded.”
Gumawa ng 18 puntos, 10 rebounds at 4 blocks si Cameroonian center Ben Mbala para sa kanyang pang-walong sunod na double-double performance, habang nag-ambag ng 14 puntos, 5 rebounds at 5 assist si rookie wingman Ricci Rivero upang pangunahan ang Green Archers sa pag-angat sa 8-0 record.
Nahulog naman sa 4-4 ang Falcons na katabla ang Ateneo at NU.
Sa unang laban, isinalpak ni Monbert Arong ang kanyang jumpshot mula sa kaliwang bahagi ng court sa huling 3.7 segundo ng fourth period upang giyahan ang Far Eastern University sa pa-ngalawang sunod na panalo ngayong taon kontra sa National University sa iskor na 57-56.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng defen-ding champions na nag-angat sa kanilang record sa 6-2, panalo-talo at panatilihin ang kapit sa solong ikalawang puwesto.
Sumadsad naman sa fourth spot ang Bulldogs taglay ang 4-4 na kartada sa kabila ng double-double ng kanilang starting center na si Alfred Aroga na tumapos ng may 22 puntos, 13 rebounds at 3 blocks kapantay ng Blue Eagles.
Nagtapos si Arong na may 13 puntos, ang 7 dito ay isinalansan niya sa final canto kasunod ng topscorer na si Reymar Jose na may double-double sa kanyang 14 puntos at 12 boards. FMLumba
- Latest