^

Pang Movies

Nathan isasakripisyo ang lahat para sa pangarap

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa edad na 19 years old, abot-kamay na ni Nathan Dacanay ang pangarap niyang makapasok sa mundo ng showbiz. Maraming katangian ng isang artista ay taglay na ni Nathan, at talented ang binatang actor kaya alam niyang magkakaroon ng kaganapan ang kanyang pangarap na maging isang ganap na artista.

“Pursigido talaga akong mag-artista, malaki ang aking paniniwala nasa pagwu-workshop ay marami akong matututunan sa pag-arte.

“Kahit sabihin pang marami akong alam gaya ng dancing, singing at playing instruments like drum, guitar, etc. Iba parin ang pag-arte, kaya heto ako ngayon pokus ako sa acting workshop ko.

“Isasakripisyo ko ang lahat matupad ko lang ang aking pangarap na maging isang ganap na artista. Gusto ko ring maging isang role model sa mga kabataang gaya ko, para malayo sila sa mga bisyo at sa halip ay mag-concentrate sila na tuparin ang gusto nilang pangarap sa buhay.

 “Alam kong hindi madali ang mag-artista, pero dahil pursigido ako ay makakamit ko ang pangarap kong ito. Isa pa, bata pa ako at hindi naman ako nagmamadali dahil alam kong darating ang time ko.”

Dahil taglay niya ang maraming talent, malamang ay hindi mahihirapan itong si Nathan Dacanay sa mundo ng showbiz.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with