^

Punto Mo

Tigilan na sana ang pagmumura

PULSO NG MASA - Pang-masa

Si President Digong ang ibinoto ko noong May election sapagkat naniniwala akong malaki ang magagawa niya para malutas ang problema sa corruption, krimen at pagkalat ng droga. Natuwa ako nang manalo siya sapagkat magkakaroon na ng matigas na Presidente na handang lumaban sa mga masasama sa bansang ito.

Sa palagay ko, ang kailangan ng bansa natin ay isang Presidenteng may tapang at panininindigan. Kailangan ang isang pinunong hindi masisindak.

Natutuwa ako sapagkat ginagawa ni President Digong ang pinangako. Bumaba na ang krimen sa Metro Manila sapagkat maraming drug pushers at addict ang naaresto at ang mga lumalaban ay napapatay. Napabilis din  ang serbisyo sa mga tanggapan sapagkat wala nang pila at kung anu-anong mga requirements.

Sa ngayon  ang tanging puna ko lamang kay President Digong ay ang kanyang pagmumura. Sana naman ay mapigilan niya ang sarili para hindi na makapagmura. Hindi magandang pakinggan. ---DANIEL MANALAYSAY, Malibay, Pasay City

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with