^

Police Metro

Kelot utas sa love triangle

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang bala ang tumapos sa buhay ni Jefferson Guban, 22, ng Peralta St., Balut, Tondo, Maynila matapos na ito ay barilin ng dating asawa ng kanyang kinakasama na naganap kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na bugbog sarado sa taumbayan at dinala sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Jerry Manding, 42, tricycle driver, residente ng Banahaw St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Del Fierro St., kanto ng Earnshaw St., Gagalangin ay nagmamaneho ng kaniyang bisikleta ang biktima papauwi sa kanilang bahay nang harangin at barilin ng  dalawang beses ng suspek.

Nakita ito ng mga tao sa lugar at kinuyog nila ang suspek at hanggang sa may isa na sumaksak ng ice pick dito bago naaresto.

Nabatid na ang suspek ay may 5 anak sa isang Michelle Garcia, 32, bago nakisama sa biktima na kung saan ay una nang nagbanta ang una na pagsisisihan nito ang pakikisama sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with