Parang si Inah de Belen Sofia apelyido ni Kring-Kring ang gustong gamitin
Kung pahinga si Tacloban Mayor Kring-Kring Romualdez ngayon sa kanyang showbiz career in favor of public service, ang panganay naman nilang anak ni Alfred na si Sofia ang magsisimula pa lamang sa kanyang career. “Singing po talaga ang first love ko,” pahayag ni Sofia na gustong Sofia Gonzales ang maging screen name. “As much as possible, I want to focus on my singing career po talaga,” diin pa niya.
Pero sa tuwing nababanggit ang mga pangalan nina James Reid, Enrique Gil, at Liza Soberano ay hindi maitago ni Sofia ang kanyang kilig sa mga ito.
Bukas ay may meeting na si Sofia sa music production group ng Viva para i-discuss ang songs na una niyang ire-record for her debut album under Viva Records.
Francine nakikiuso!
Sa Italy na nag-celebrate ng kanyang ika-33rd birthday kahapon ang dating sexy star ng Seiko Films na si Francine Prieto kasama ang kanyang American fiancé na si Frank Shotkoski. The couple left for Italy last Wednesday for their intimate civil wedding na gaganapin sa Casa Mariantonio in Anacapri, Isle of Capri, Italy sa September 21.
Sa September 27 naman ang balik sa Pilipinas nina Francine at Frank.
Si Francine ay kasama sa bagong afternoon TV series ng GMA, ang Oh, My Mama! na tinatampukan nina Inah de Belen, Jake Vargas, at Jeric Gonzales.
Samantala, kapansin-pansin na pawang foreigners ang napapangasawa ng ilang celebrities na sunud-sunod pang nagpakasal sa ibang bansa. Ito’y sinimulan ni Georgina Wilson at British husband niyang si Arthur Burnand na ikinasal sa London last April 30. Sinundan nina Solenn Heussaff at Argentinian husband na Nico Bolzico sa France noong May 22. Last September 10 ay ikinasal naman si Isabelle Daza sa kanyang French businessman husband na si Adrien Semblat sa isang lugar ng Italy at sa Italy rin ikinasal last September 15 si Cristalle Belo kay Justin Pitt, isang Australian hotelier. Isang American molecular biologist naman ang magiging mister ni Francine Prieto.
Alonzo lagi pa ring nangunguna sa klase
Kahit abala ang 6-year-old child star na si Alonzo Muhlach sa kanyang mga showbiz commitment, hindi nito pinababayaan ang kanyang studies bilang Grade 1 pupil sa De La Salle – Greenhills. Katunayan, on top of his class pa rin si Alonzo making his parents (Niño and Abby) very proud ganun din ang kanyang Lolo Alex (Muhlach), kapatid nina Amalia Fuentes at ama ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach.
Si Alonzo ay kasama sa pelikulang Enteng Kabisote 10 na pinagbibidahan ni Vic Sotto na isa sa inaasahang papasok sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).
- Latest