^

PSN Showbiz

Cristalle at Solenn parehong nagpadamit sa Israeli!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Aiza Seguerra ang kanyang 33rd birthday sa isang five-star hotel sa Pasay City at sa piling ng mga mahal niya sa buhay.

SCENE: Dahil sa kanyang mga tungkulin bilang mayor ng Ormoc City, limitado ang pagluwas ni Richard Gomez sa Metro Manila kaya siya na lang ang pinupuntahan ng kanyang misis na si Lucy Torres na busy din sa mga responsibilidad nito bilang house representative ng 4th District ng Leyte.

SEEN: Dumarami na ang nagrereklamo sa mababaw na paghuhusga ni Rey Valera sa mga contestant ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Si Valera ang chairman ng judges ng singing contest ng noontime show ng ABS-CBN.

SEEN: Vicki with an “I” at hindi Vicky with “Y” ang spelling ng palayaw ni Dra. Victoria Belo. Madalas na nagkakamali ang writer ng isang broadsheet (hindi Philippine Star) sa spelling ng pangalan ng sikat na beauty doctor.

SCENE: Ang Israeli fashion designer na si Inbal Dror ang gumawa ng wedding gown ni Cristalle Belo. Israeli din si Lihi Hod, ang designer ng wedding gown ni Solenn Heussaff nang magpakasal ito noong May 2016 kay Nico Bolzico.

SEEN: Ang damit na gawa ng Filipino fashion designer na si Monique Lhuillier ang ginamit ni Cristalle Belo sa post wedding party nila ng kanyang asawang si Justin Pitt.

SCENE: Nag-celebrate kahapon ng 35th birthday sa Rome, Italy si Francine Prieto. Huling kaarawan na ni Francine bilang dalaga dahil ikakasal na siya sa kanyang fiancé na si Frank Shotkoski sa September  21.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with